Concepcion Presidential Adviser for Entrepreneurship at Go Negosyo founder Joey Concepcion

Concepcion nais nang ibalik mga bata sa paaralan

February 1, 2022 People's Tonight 181 views

MATAPOS matagumpay na isulong ang pagtanggal ng quarantine requirements para sa mga fully vaccinated
na returning overseas Filipinos (ROFs) at mga dayuhang turista, nais naman ngayon ni Presidential Adviser for Entrepreneurship at Go Negosyo founder Joey Concepcion na ibalik ang mga mag-aaral sa paaralan bilang bahagi ng napipintong pagbabalik sa normal ng bansa.

“Ngayong mga batang 12 hanggang 17 taon ang binabakunahan at mga 5 hanggang 11 matapos, itutulak natin sa Inter-Agency Task Force (IATF) na buksan ang ating mga paaralan, basta’t ang mga mag-aaral at guro ay fully vaccinated,” sabi ni Concepcion.

“We are starting finally starting to move on and hopefully, this move will help our economy,” dagdag niya. Matagumpay na
naisulong sa IATF ang pagtanggal ng facility quarantine para sa fully vaccinated ROFs simula Pebrero 1, at sa mga turista simula Pebrero 10.

Ayon kay Concepcion, dapat na unahin ang pagpapabalik ng mga bata sa paaralan, sa kondisyon na sila ay nabakunahan at nabibilang sa mga kabahayan na lahat ay nabakunahan na o di kaya’y walang senior citizen na hindi pa nababakunahan.

“Ang mga batang nabakunahan na kabilang sa mga kabahayan na may 70 porsiyentong nabakunahan na o walang hindi pa nababakunahan na mga senior citizen at naninirahan sa mga lugar na may 80 porsiyento ng populasyon ang nabakunahan ay maaari ding dumalo sa face-to-face classes,” sabi ni Concepcion.

Ayon kay Concepcion, hindi dapat mabahala na magkakahawahan sa paaralan, basta’t mayroong mahigpit na pagpapatupad ng pagsusuot ng face mask. Dagdag niya, ang pagbabalik sa paaralan ay bahagi ng panibagong pamumuhay na tanggap na ang COVID-19 bilang karaniwan ngunit
mapanganib pa ring sakit.

Sa kanyang paningin, hindi na kakayanin ng bansa ang pangmatagalang epekto ng hindi ideal na kalidad ng edukasyon na gamit ang online learning modality. Ang pagbabalik ng mga bata sa mga paaralan ay maaari ring makahikayat sa mga senior citizen na magpabakuna na.

Makakatulong din ito sa mga micro, small, and medium enterprises (MSME) na umaasa din sa mobility na maidudulot ng pagbubukas ng mga paaralan.

Sinang-ayunan din ni Concepcion ang panawagan ni Vice President Leni Robredo na buksan ang mga paaralan sa mga estudyante at guro na fully vaccinated.

AUTHOR PROFILE