CICC nagbabala sa aberya sa Viber
BINALAAN ng Cybercrime Investigation and Coordinating Center (CICC) ang publiko kaugnay ng nararanasang aberya sa social media messaging platform na Viber na nadiskubre ng ahensya kaninang umaga.
Sa babala ba inilabas ng tanggapan ni CICC executive director Alexander K. Ramos, sinabi nito na simula 10:00 ng umaga kanina ay hindi na nakakapag-send ng video o nakakapag-transfer ng files gamit ang viber platform.
“We have detected continuous failed attempts to send video and file transfers using the Viber system in multiple cities covered by the CAMS platform both domestically and internationally since 10 am today while Messaging and voice calls have been successful though the Viber platform ,: bahagi ng CICC advisory.
Ang pahayag ay ginawa ng CICC dalawang linggo matapos nilang ilunsad ang Consumer Application Monitoring Systems o CAMS na nagbabantay sa mga online applications upang matiyak ang proteksyon ng mga consumer.
Tiniyak naman ni Ramos na patuloy na inaalam ng CAMS kung ano ang problema at nangako rin siya na gagawin lahat upang maproteksyunan ang kapakanan ng mga consumers laban sa mga cybercriminals .
“CAMS is working well in detecting problems and in protecting consumers from cybercrimnals,” paliwanag ni Ramos.