Christine, nag-enjoy sa lampungan kay Chloe
Sinisigurado ni Christine Bermas na may bago pa siyang ipapakita sa latest Vivamax film niyang Lampas Langit matapos niyang ibigay ang lahat-lahat sa Scorpio Nights 3.
Sa trailer pa lang ay makikita na ang maiinit na eksena nila ni Chloe Jenna at ito raw ang first time niya magkaroon ng love scene sa kapwa-babae.
Sa mediacon, inamin ni Christine na hindi niya bet ang girl-to-girl love scenes.
“’Yun ‘yung hindi ko rin in-expect sa self ko na kaya kong gawin ‘yun. And to be honest, alam naman nila Direk ‘yun na ‘yun talaga ang pinakaayaw kong gawin. Kasi kahit ‘yung project is like girl to girl, hindi ko pa rin talaga kayang gawin ‘yung ganu’ng klase.
Well, ayun, ‘di ko akalaing nagawa ko pala with Chloe, and good experience siya for me,” sey ni Christine.
“Pareho kaming first time namin ni Chloe. Hindi naman ako nagsisi at the end. Nag-enjoy ako kay Chloe,” natatawang dugtong ni Christine.
Pag-amin ng direktor na si Jeffrey Hidalgo, wala sa original script ang mga nasabing maiinit na eksena ng dalawang sexy stars.
“Kaya nagpapasalamat ako kay Christine na ginawa niya ‘yung scenes,” sey ni Direk Jeffrey.
Bukod sa girl-to-girl scene, ayon kay Christine ay acting piece ang Lampas Langit at ito ang isa pang dapat abangan sa pelikula.
“Kung ano ang ibinigay ko sa Scorpio Nights sa mga love scene ko do’n and sexy scene ko do’n, hindi ganu’n kakailangan dito sa Lampas Langit. It’s more on acting,” sey ni Christine.
Streaming na ito sa Vivamax ngayong Aug. 19 kasama sina Baron Geisler, Ricky Davao, Ivan Padilla, Milana Ikemoto at Quinn Carrillo.