PCG

China malapit na ‘kanyonin’ ng PCG

August 8, 2023 Zaida I. Delos Reyes 184 views

PLANO ng Philippine Coast Guard na gumamit ng mas malalaking barko na mage-escort sa mga bangkang papalaot para sa re-supply mission sa BRP Sierra Madre na nasa Ayungin Shoal sa West Philippine Sea o WPS.

Kasunod ito ng insidente noong August 5, kung saan binomba ng tubig ng Chinese Coast Guard ang barko ng Pilipinas na nagsasagawa ng resupply mission sa Ayugin Shoal.

Ayon kay PCG spokesperson for the West Philippine Sea commodore Jay Tarriela, isa pa sa mga option ng gobyerno ang paggamit ng mas malaking barko sa kanilang resupply mission pero kailangan makakuha muna ng clearance mula sa National Task Force –WPS.

“That’s an option for the national government. We’re still going to clear this on the NTF WPS if there is a need for us to increase the number of the Coast Guard vessels to support the resupply mission,” paliwanag ni Tarriela.

Desidido si PCG Commandant Admiral Artemio Abu na magdagdag ng barko at mag-deploy ng mas malaking barko sa lugar.

Sa ngayon, mayroong 97-meter vessels ang PCG, kabilang ang BRP Melchora Aquino at BRP Teresa Magbanua gayundin ang 83-meter vessel ng BRP Gabriela Silang.

Matatandaang inalalayan ng BRP Malabrigo at BRP Cabra ng PCG ang dalawang resupply boat na red hull at greenb hull patungo sa Ayungin Shoal noong August 5 para magdala ng pagkain, tubig at panggatong sa BRP Sierra Madre.