Phivolcs

Catanduanes niyanig ng 4.8 na lindol

August 8, 2023 People's Tonight 250 views

NIYANIG ng intensity 4.8 na lindol ang Catanduanes Martes, ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs).

Batay sa talaan ng Phivolcs, tectonic ang pinagmulan na naganap na lindol bandang 10:40 ng umaga.

Matatagpuan ang sentro ng lindol sa 100 kilometro hilagang-silangan ng Gigmoto, Catanduanes, sa lalim na 61 kilometro.

Naramdaman ang Instrumental Intensity I sa Virac at Panganiban, Catanduanes.

Ayon sa Phivolcs, walang anumang mga aftershock mula sa lindol. Idinagdag rin ng ahensya na walang inaasahang malaking pinsala mula sa pagyanig.

AUTHOR PROFILE