Singson

Chavit magkakaroon ng co-production venture para sa isang Korean TV series

April 13, 2024 Eugene E. Asis 93 views

NAKATAKDANG makipag-co-production venture ang negosyante at pulitikong si Luis ‘Chavit’ Singson pasra sa isang Korean series, ang “Vagabond.” Ang first season nito ay ipinalabas sa SBS TV noong 2019 bago sa Netflix. Tampok dito ang sikat na Korean action star na si Lee Seung-Gi kasama sina Bae Suzy at Shin Sung-rok. Sa third season balak sumosyo ni Chavit.

Ang second season ng “Vagabond” at gagawin sa Pilipinas. Tutulong muna para sa ilang logistics si Chavit dito.

Ayon kay Singson, malamang na sa Mayo simulan ang shooting nito. “Tinatapos pa lang ang script,” ani Singson.

Dumalaw na sa Pilipinas si Lee noong March 2023 at bumisita sa Vigan, Ilocos Sur. Ilan sa mga pinuntahan ni Lee ang Baluarte ni Singson, Calle Crisologo at ang Vigan Heritage Site.

Maliban sa Ilocos Sur, nakatakda ring mag-taping ang “Vagabond” season 2 sa iba pang magagandang lugar sa Pilipinas.

“Isang episode muna (sa Ilocos Sur),” ani Singson. “Pagkatapos, sa iba’t ibang magagandang tourist spots na sa Pilipinas. Ganito rin ang ginawa ko noon sa Miss Universe.”

Ayon pa sa kontrobersyal na businessman at pulitiko, maraming Filipino actors ang makakasama sa naturang episode.

Samantala, bukod sa naturang collaboration, nakipag-sosyo rin si Chavit sa ilang kompanya sa Korea para naman sa modernization ng public transport system sa Pilipinas tulad ng jeepneys at tricyle. “We have many companies in Korea, we have partners, friends. Lee Seung-gi, he is one of our endorsers here in bb.q (his chicken restaurant) and he is the lead there,” pagtatapos ni Singson.

AUTHOR PROFILE