Beauty Larawan mula sa IG/Beauty Gonzalez

‘Pakurot naman ng monay’

April 13, 2024 People's Tonight 74 views

KUNG juicy na puwet lang din ang pag-uusapan, kayang-kayang makipagsabayan diyan ng aktres na si Beauty Gonzalez.

Sa isang Instagram post ng ‘Walang Matigas na Pulis sa Matinik na Misis’ actress, petmalu ang pagbabandera niya ng kanyang walang kupas na alindog.

“Tugs Tugs Tugs..” sey niya sa caption ng kanyang post.

Nag-ala high fashion model sa kanyang pose si Beauty habang suot-suot ang two-piece bikini.

Bidang-bida sa ibinahaging larawan ang makikinis na pisngi at tambok ng wetpaks ng aktres na siyang tila naging pampagana para sa mga barako.

Aminado nga ang ilang netizens na bet nilang kurutin ang tambok ni Beauty dahil sa pagiging malaman nito.

Malakas pa rin ang dating ni Beauty sa mga anak ni Adan. Hindi pa rin nawala ang kanilang pantasya sa aktres kahit na may sarili na itong pamilya. “MILF” nga ang turing ng ilan sa kanya sa comment section.

Narito pa ang ilang komentong mababasa sa post ni Beauty:

“Di nakaka-sawa ang ganda, bagay talaga yung name na Beauty sayo. Ganyan na ganyan kaganda yung daughter mo paglaki niya”, “Flawless na may angas pa”, “Nice ass lodi”, “Pa pinch naman pows”, at “If you have it, flaunt it.”

AUTHOR PROFILE