Celebrity kids na naunang magpa-vaccinate

February 11, 2022 Aster Amoyo 385 views

JudayTIYAK na maraming magulang at mga bata ang mai-enganyo ng ilang celebrity couples tulad ng mag-asawang Judy Ann Santos at Ryan Agoncillo maging sina Dingdong Dantes at Marian Rivera dahil sila ang kauna-unahang celebrity couples na nagdala sa kanilang mga anak sa drive-thru vaccination sites sa unang araw pa lamang ng bakunahan para sa mga batang nasa edad limang taon hanggang 11 years old last Monday, February 7.

Bakunado na ang 6-year-old daughter nina Dingdong at Marian na si Zia Dantes gayundin ang dalawang tsikiting ng mag-asawang Juday at Ryan na sina Lucho (11) at Luna (6).

Agad naman pinost nina Juday at Marian sa kanilang respective social media accounts ang pagpapabakuna ng kanilang mga anak.

“Finally!! Our little ones got their first dose of Phizer vaccine today! The waiting time is forgivable bilang drive-thru vaccine, the kids are not exposed to a lot of people…plus the effort that DOH put and the team of doctors headed by dr.@ayenuguid and dr.@romeonuguidmd, with them are more than 50 nurses and doctors facilitating the vaccination. There are cocomelon mascots, Anna and Elsa, cheering the kids during the jab. Kaya nagpa-booster shot na rin ako! May libre pang balloons! Hats off to all the frontliners for doing this,” post ni Juday sa kanyang Instagram account.

Puwedeng gawing celebrity endorsers ng Dept. of Health (DOH) ang mga celebrity kids na sina Lucho, Luna at Zia para mas mas marami pang bata ang makumbinseng magpabakuna.

Louise handa nang maging mapangahas

AT 29, handang-handa na ang Viva actress na si Louise de Los Reyes na gumanap sa mas mapangahas na role tulad ng ipinamalas niya sa kanyang pinakabagong movie under Viva Films, ang “The Wife” currently streaming on Vivamax (with over 2.5 million subscribers) na nagsimula kahapon, February 11. Ang nasabing pelikula where she plays the title role ay tinatampukan din nina Diego Loyzaga at Cara Gonzales at pinamahalaan ni Denise O’Hara.

Before her transfer to Viva in early part of 2017, si Louise ay matagal naging contract star ng GMA Artist Center since 2010 where she completed most of her TV projects.

Si Louise ay nagsimula sa as a child actress when she was eight years old in 2001.

Samantala, sa kabila ng pagiging busy ni Louise sa kanyang showbiz career ay nakuha pa rin nitong tapusin ang kanyang pag-aaral sa kolehiyo. Siya’y nagtapos ng Foreign Service degree, cum laude sa Lyceum of the Philippines University (Cavite).

Rico nage-enjoy bilang aktor

SA unang pagkakataon ay mapapanood ang real sweethearts na sina Rico Blanco (48) at Maris Racal (24) sa episode na ‘The Bitter Hopia’ ng “The Goodbye Girl,” an iWant TFC series.

Ang singer-songwriter, musician, record producer, entrepreneur and occasional actor ay huling napanood sa “Imortal” primetime TV series (2010-2011) na pinagbidahan nina John Lloyd Cruz at Angel Locsin at kung saan siya gumanap bilang Lucas, ang main villain sa nasabing serye.

Although music ang passion ni Rico, hindi nito ikinakaila na nagi-enjoy din umano siya sa acting laluna’t katrabaho niya ngayon ang kanyang girlfriend sa totoong buhay, ang singer-songwriter ,ex-PBB housemate-turned actress na si Maris.

MarcoMarco at Faith may common denominator

MAY common denominator sina Marco Gumabao (27) at Faith da Silva (20).

Walang ka-date sa darating na Araw ng mga Puso ang Viva actor na si Marco kundi ang kanyang mom na si Loli Imperial-Gumabao, samantalang ang Kapuso actress na si Faith ay ang kanyang ina at kapatid dahil wala pa naman umano siyang special someone sa ngayon.

Kung matatandaan, na-link noon si Faith sa veteran actor na si Albert Martinez habang ginagawa pa nila ang TV drama series na “Las Hermanas” na kanila namang pinabulaanan at unti-unting nag-die down.

Sina Marco at Faith ay may isa pang common denominator, ang kanilang respective fathers na parehong dating actor ay parehong Dennis ang pangalan, at pareho ring nakakulong ngayon, sina Dennis Roldan at Dennis da Silva. Matagal na rin nilang pinapangarap na makalaya na at muli nilang makapiling ang mga ito.

Si Marco ay muling mapapanood sa Viva Films horror movie na “Bahay na Pula” na dinirek ng premyadong director na si Brillante Mendoza at mapapanood sa Vivamax streaming app ngayong February 15.

Si Faith naman ay huling napanood sa “Las Hermanas” TV series na nagtapos last January 14, 2022.

Kaila nagmana sa mga magulang

KAHIT mas naunang pumasok sa showbiz ang eldest daughter ng dating mag-asawang Janice de Belen at John Estrada na si Inah de Belen, gumagawa na rin ng sariling pangalan ang bagong aktres na si Kaila Estrada (26) na hinahangaan ng netizens sa kanyang acting debut sa tumatakbong primetime TV series na “Viral Scandal” na tinatampukan nina Charlie Dizon at Joshua Garcia.

Minana nito ang husay sa acting ng kanyang equally popular actor parents.

Hindi ikinakaila ni Kaila how grateful she is sa napakalaking break na ipinagkatiwala sa kanya ng Kapamilya network.

Isa sa mga pangarap ni Kaila ay makatrabaho pareho ang kanyang parents na sina Janice at John either sa telebisyon o pelikula.

Subscribe, like, share and hit the bell icon of “TicTALK with Aster Amoyo” on my YouTube channel. Follow me on Instagram@asteramoyo, Facebook@asteraamoyo and Twitter@aster_amoyo.

AUTHOR PROFILE