Cebu MWP tiklo sa pulis-Maynila

October 1, 2022 Jonjon Reyes 187 views

NATUNTON sa Taytay, lalawigan ng Rizal ang isang “most wanted person” (MWP) sa Cebu City, makaraang bitbitin ng mga operatiba ng Special Mayor’s Reaction Team (SMaRT) ng District Investigation Disivion ng Manila Police District (MPD), Sabado ng umaga.

Ang naarestong akusado na may alyas na “John” ay top 2 MWP sa Cebu.

Bitbit ang arrest warrant na inisyu ni Presiding Judge Annabelle Romana-Robles ng Regional Trial Court (RTC) Branch 96 sa Cebu, sa kasong three counts ng sexual assault.

Ayon kay Police Lieutenant Col. Rosalino Ibay Jr., hepe ng SMaRT, bandang 7:00 ng umaga nang mahuli ang suspek sa Tikling Road, Taytay, Rizal.

Nasakote ang suspek sa utos ni Ibay batay sa direktiba ni MPD Director P/Brig. Gen. Andre P. Dizon at sa naging aksyon ni P/Maj. Emmark Dave Apostol, kasama ang Cebu Police Regional Investigation 7 sa pangunguna ni PEMS Clifford G. Gica.

AUTHOR PROFILE