Kelot timbog sa pagnanakaw sa Tondo

October 1, 2022 Jonjon Reyes 233 views

ISANG akusado ang inaresto ng mga tauhan ng Manila Police District (MPD) Moriones Police Station makaraang silbihan ng arrest warrant dahil sa kasong “qualified theft” o pagnanakaw sa Tondo, Maynila, madaling araw ng Sabado.

Ayon kay Police Lieutenant Coronel Harry Ruiz Lorenzo lll, commander ng MPD Station 2, bandang 12:45 ng madaling araw nang matunton ang suspek sa panulukan ng Wagas at Sandico Streets sa Tondo.

Sa pangunguna ni P/Lt. Henry Sibayan Mariano, hepe ng Station Warrant Section, katuwang ang 6th Mobile Force Company ng Regional Mobile Force Batallon (RMFB) sa pangunguna ni P/Maj. Ronilo Aquino, ay tuluyang nahuli ang suspek.

Hindi na nagawang makapanlaban ang suspek na may alyas na “Romy” matapos ihain ang warrant of arrest na inisyu ni Presiding Judge Liwliwa Hidalgo-Bucu ng Regional Trial Court Branch 34 ng Maynila, dahil sa pagnanakaw.

Gayunman, inirekomenda ng hukuman ang piyansang P40,000 para sa akusado.

AUTHOR PROFILE