Default Thumbnail

Cash incentives sa 80-95 anyos aprubado ni PBBM

February 24, 2024 Chona Yu 117 views

PORMAL nang lalagdaan ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ang panukalang magbibigay ng cash incentive sa mga senior citizen na aabot sa edad na 80 hanggang 95 anyos.

Gagawin ang ceremonial signing sa Senate Bill no. 2028 at House Bill No. 7535 o ang “Granting Benefits to the Filipino Octogenarians at Monagenarains” sa Palasyo ng Malakanyang sa Pebrero 26 ng 9:00 ng umaga.

Sa ilalim ng panukala , bibigyan ng P10,000 cash gift ang mga senior citizens na aabot sa 80,85,90 at 95 taong gulang, habang ang aabot naman sa edad na 100 ay mabibigyan ng P100,000.

Layon din nito na mabigyan na ng cash benefits ang mga senior citizens habang maaga pa at mapakinabangan pa ng mga ito.

Bukod sa nasabing batas, lalagdaan din ni Pangulong Marcos ang Senate bill No. 2221 at House Bill No. 7325 o ang Magna Carta of Filipino Seafarers”, gayundin ang Senate Bill No. 2426 at House Bill No. 8525 o “Tatak Pinoy (Proudly Filipino) Act.

Nagpasalamat naman si Senador Ramon Revilla na may akda ng Senate Bill No.2028 kay Pangulong Marcos dahil sa paglagda nito sa panukala para amyendahan ang Centenarians Law.

AUTHOR PROFILE