Nancy Binay

Nancy: ‘Wala sa kulay ng balat ang tunay na ganda’

February 24, 2024 PS Jun M. Sarmiento 109 views

GOOD health! But apparently it’s not. It’s not good health kasi wala siyang FDA (Food and Drug Administration) approval and hindi naman porket–sa aking din ang pag whitening, hindi rin yan batayan ng good looks. Ang sa akin kasi we should always be comfortable doon sa binigay sa atin di ba? Ang maputi pumupunta dito satin para magpaitim at ang maitim naman ay nagpapaputi,”

Ito ang pahayag ni Senator Nancy Binay na siyang chairperson ng Senate Ethics committee na nagbigay linaw sa isang panayam kung bakit dapat aniyang makinig ang lahat sa panawagan ng Department of Health lalot pagdating sa isyu ng mga gamit pamputi, pampakinis at marami pang iba.

Ani Binay, kilalang aktres si Mariel Padilla bukod pa sa ito ay asawa ni Sen. Robinhood Padilla at malaki aniya ang ginagampanan na role nito at impluwensya sa maraming Pilipino.

“Bilang celebrity at asawa pa ng senador, we should be aware sa power natin to influence people. So kailangan napakaingat if may gumaya sa kanya at nagkaroon ng problema dahil apparently hindi pa pala talaga siya (glutathione) allowed as whitening treatment,” ani Binay.

Dagdag pa ni Binay na walang isa man propesyonal na doktor o nurse ang nag-administer ng IV sa aktres at sakaling nauwi ang ganitong insidente sa emergency ay walang kapasidad ang Senado na umaksyon agad agad.

Ipinagkibit balikat din ng senadora ng Makati ang mga salitang ginawa lamang ito ng aktres dahil sa gusto umano nitong i-promote ang good looks and good health.

“Siguro pag nagkita kami, ihahayag ko lang kay Sen. Robin ang aking agam agam. Concerned din ako sa health ng asawa niya di ba kasi kung gumagamit siya ng ganitong treatment na hindi pala FDA approved hindi natin alam baka down the line magkaroon siya ng sakit, di ba? Sa akin yun ang mahalaga, yung health at the moment dahil baka hindi sila aware na wala pa itong FDA approval ,” pahayag ng senadora ng Makati.

Kaagad naman nagbigay paalala si Dept of Health Sec. Ted Herbosa na ang dapat sundin ang FDA (Food and Drug Administration) na nagbigay advisory kung saan ay sinabing hindi safe ang glutathione na gamitin bilang skin lightening agent o pampaputi.

Robin Padilla, pinagtawanan ang batikos sa ‘drip session’ ni Mariel Rodriguez sa Senado

Sa naunang sagot ni Sen. Robin na bagamat humingi ng paumanhin ay pinagtawanan din nito ang batikos laban sa kanyang asawang si Ms. Marile sa drip sesyon sa senado.

Matatandaan na si Binay ay naging tampulan ng ibat ibang memes at jokes dahil sa kulay ng kanyang balat kung saan ay inilahad din niya sa kanyang libro ang mga pinagdaanan niyang cyberbullying at mga pag aalipusta na hindi naman aniya nakaapekto sa kanya bilang isang tao bagkus ay pinagtawanan lang din niya ang mga salitang ito.

“We should always be comfortable doon sa skin na binigay sa atin, ‘di ba? Yung acceptance kung ano ka,”giit ni Binay.