Barbara

Carmina feels their kids are soon living their own lives

February 21, 2022 Mario Bautista 437 views

CarminaCARMINA Villarroel plays Barbara, one of the top suspects in the GMA-7 murder mystery suspenserye, “Widow’s Web”, the first project of Director Jerry Sineneng as a Kapuso.
“I’ve worked with him before sa ABS-CBN and I’m thankful na sa first show ni Direk Jerry sa GMA, ako ang nakasama niya as I’m so excited to work with him again,” says Carmina. “When i saw the trailer of ‘Widow’s Window’, I was so impressed. Ang ganda at ang galing. Kita mo agad na very glossy at ginastusan ng GMA ang buong production.”

In her previous teleserye, “Babawiin Ko ang Lahat”, she played a contravida. Is she now playing another such role in “Widow’s Web” as the sister of Ryan Eigenmann who’s one of the suspects in killing him, her own brother?

“Hindi naman ako contravida rito. Iba lang ang pag uugali ni Barbara kasi magkaribal sila ng brother niya in wanting to control their family’s company. When they gave this to me, akala ko I’d be resting muna kasi I also just did ‘The End of Us’ with Zoren. But when I read the script, the story itself captured my attention. Hindi ko pa alam kung sino ang mga makakasama ko, but I said yes right away.”

What in the show excited her about it?

“Na-excite ako sa mismong project. Kasi first show ko ito na apat kaming bidang babae. Kasama ko rito sina Vaness del Moral, Ashley Ortega and Pauline Mendoza at magkaka-age lang kami, di ba? At ang ganda ng roles naming lahat. Lahat ng characters dito, nag-shine. Walang mas bida-bida. Lahat pantay-pantay. Wala kang itatapon. Kapag may isa kang tinanggal, the show won’t work. And in fairness sa mga kasama ko, puro magagaling sila ha.”

How does she feel that her two children, Mavy and Cassy Legaspi, are now both busy with their own acting careers?

“Siempre, as a mom, I’m proud na they are now making a name for themselves at so far, maganda naman ang feedback sa mga trabaho nila. Kaya lang, ayun, dahil sa lock in taping, madalas kaming nagkakalayo sa isa’t isa. While I was taping, nalayo ako sa kanila at pagbalik ko, it’s time naman for Cassy to leave para sa lock in taping niya for ‘First Lady’. But I guess ganun talaga, they have to live their own lives. Zoren and I are just very happy na we both raised very good kids na marespeto sa kapwa nila at marunong makisama sa lahat when they do lock in tapings. Very importante yun in the industry, yung they know how to deal with everyone on the set.”

AUTHOR PROFILE