Carla

Carla, binigyan ng protection order laban kay Tom

February 17, 2023 Jun Nardo 373 views

KASAMA talaga ni Carla Abellana ang kanyang lawyer nang magpa-interview kay Boy Abunda sa show niyang Fast Talk.

Suma total, parang napagod na si Carla sa paulit-ulit na pagkakamali ng asawang si Tom Rodriguez.

Parang wala nang pag-asang magkabalikan pa sila.

Ang bago sa mga sinabi ni Carla ay may nakuha siyang protection order mula sa korte.

Ipinaliwanag ng lawyer niya kung tungkol saan ito.

Sa pagkakaalam namin, kapag may protection order mula sa korte ang isang tao, hindi siya puwedeng lapitan ng taong pinagbabawalan ng korte na lumapit sa kanya nang may kaukulang distansiya.

Ayon pa kay Carla, humiling na siya sa korte ng recognition ng foreign judgment gaya ng divorce decree na isinampa ni Tom.

Kapag naayos ang aspetong ito, ang annulment ng kasal sa bansa ang haharapin niya upang maging single muli.

Sa pagkakaalam namin, matalinong tao si Carla at may honors pa ito nu’ng magtapos ng kolehiyo.

Anong nangyari sa talino niya at ganito ang kinahinatnan ng pagmamahalan nila ni Tom?

Mas bongga kung makukuhanan din ni Boy ng side si Tom sa isyu nila ni Carla, huh!

AUTHOR PROFILE