Vic

Bossing Vic handang makipag-collab kay Vice Ganda para sa isang pelikula

April 24, 2024 Eugene E. Asis 49 views

HANDA raw si Vic Sotto na makipag-collab kay Vice Ganda para sa isang Metro Manila Film Festival entry.

Aniya sa isang panayam: “It’s not impossible. Pero siguro in the future, why not? Wala akong pinipili.”

Naging mas mahinahon si Bossing Vic sa kanyang mga pahayag na hindi man sinasadya ay nalilinya sa komento para sa katapat na programa ng “Eat Bulaga,’ ang “It’s Showtime,” na pinangungunahan ni Vice Ganda.

Mga ilang araw ang nakararaan, nagkaroon ng patutsada ang kanyang ka-triumvirate na sina Tito Sotto at Joey de Leon na may kinalaman sa mga anila’y maling tsismis na hindi raw masyadong kumikita ang kanilang programa.

Wala namang pahayag mula kay Bossing Vic tungkol dito, at sa bahagi naman nina Tito at Joey, sa mga sumusunod na pahayag ay niliwanag nilang hindi ito tungkol sa kalabang programa, kundi sa mga vlogger na para sa kanila ay hindi tama o accurate ang mga sinasabi.

Pero bago ang collab with Vice Ganda in the future, may pahaging na naghahanda na si Bossing Vic on his own ng isang pelikulang pang-MMFF (2024?).

In between breaks sa 70th birthday celebration niya sa ‘Eat Bulaga,’ natanong siya ng mga reporter kung may balak siyang sumali sa darating na 50th edition ng MMFF.

“Surprise,” aniya sabay ngiti. Kung sakali, another sequel ba ito ng “Enteng Kabisote”? “Iba naman. Iba na ang panahon ngayon so makakaasa sila ng kakaiba talaga.”

Well, dapat naman para makasabay siya sa nagbabagong panahon at anyo ng komedya sa bansa.

AUTHOR PROFILE