ABS-CBN

ABS-CBN NAMAMAYAGPAG SA IBA’T IBANG NETWORK

April 24, 2024 Jun Nardo 66 views

PINASOK na rin ng ABS-CBN ang AllTV.

Nasa AllTV ang free channel na Channel 2 ng ABS-CBN nang mawalan ito ng frequency.

Nagkaroon ng contract signing ang ABS at Advanced Media Brodcasting System (AMBS) last Tuesday para sa partnership nila.

Simula sa Mayo 13, mapapanood na sa AllTV ang mga tumatak at paboritong Kapamilya teleserye na handog ng Jeepney TV sa iba’t ibang oras, pati na rin sa primetime pagkatapos ng TV Patrol.

Present sa contract signing ang mga Villar – Sen. Manny, Sen. Mark, Paulo at Camille – kasama ng ABS- CBN bosses.

Dahil pati sa GMA at GNTV, eh, lumalabas ang ABS shows at movies, saang network pa mamamayagpag ang ABS-CBN kahit walang franchise?

AUTHOR PROFILE