Del Rosario

Boss Vic, emosyonal sa tagumpay ng ‘MiM’

August 6, 2022 Ian F. Fariñas 246 views

PATULOY na tumatabo sa takilya ang kontrobersyal na pelikulang Maid in Malacañang ni Direk Darryl Yap sa ilalim ng Viva Films na as of yesterday ay nasa P63 million na ang three-day gross.

Sa isang interbyu kay Direk Darryl, naikwento niya na personal siyang tinawagan ng mismong Viva big boss na si Vic del Rosario para i-congratulate sa napakalaking tagumpay ng family drama na tumatalakay sa huling tatlong araw ng mga Marcos sa Palasyo.

Sa sobrang ingay nga naman ng movie, talagang napalabas nito ang publiko para muling manood ng local film sa sinehan sa iba’t ibang parte ng bansa.

Emosyonal na dialogue raw ni Boss Vic, “Hindi ko alam na makakatulong pa ako sa industriya sa edad kong ’to.”

Common knowledge na matagal-tagal nanamlay ang Philippine cinema at marami ang nawalan ng trabaho sa showbiz sa kasagsagan ng Covid-19 pandemic.

Kabi-kabila man ang batikos na tinatanggap, hindi maikakaila na muling sumigla ang local movie industry sa pagpapalabas ng MiM.

Katunayan, binuhay din ng MiM team ang block screenings, theater tour at paglilibot sa iba’t ibang key cities para sa hiwa-hiwalay na mediacons at gala premiere.

Kasama ang ilang cast members gaya nina Cesar Montano, Ella Cruz, Diego Loyzaga at Cristine Reyes, sumalang ang grupo nina Direk Darryl sa pag-iikot sa Davao, Cebu at dinig namin pati sa Bacolod.

Naka-schedule ring bumiyahe ang MiM team para naman sa international screenings sa US, Canada, Japan, UAE, atbp.

AUTHOR PROFILE