Andre P. Dizon

Bookies ng karera ng kabayo sinalakay; 2 tiklo

August 27, 2023 Jonjon Reyes 267 views

ISANG babae at lalaki ang arestado ng pulis sa raid sa iligal na bookies ng karera sa Sta. Cruz, Maynila noong Biyernes ng gabi.

Sa pangunguna ng District Special Operation Unit (DSOU) ng Manila Police District, sinalakay ang isang bahay sa Sulu St., Barangay 340, Zone 34 at sa Maria Natividad St., Barangay 347 Zone 35 sa Sta.Cruz, Manila.

Isinagawa ang raid dahil sa direktiba ni MPD Director Police Brigadier General Andre Perez Dizon na sugpuin ang mga iligal na sugal sa Maynila.

Ayon kay Police Major Rommel Reyes Purisima, hepe ng DSOU, bandang 7:30 ng gabi nang sabay na sinalakay ang iligal na sugalan sa magkahiwalay na lugar.

Kapwa binitbit ang isang babae, 48, at isang lalaki, 36, na tauhan ng ilegal na horse racing bookies.

Pinangunahan ni Police Lieutenant Celso Sorita, team lider ng DSOU, at iba pang mga tauhan ang pagsalakay.

Narekober sa mga suspek ang mga paraphernalia na gamit sa sugal sa magkabilang la mesa.

AUTHOR PROFILE