Fire

Bodega, kabahayan nasunog sa Caloocan, Munti

January 18, 2024 Edd Reyes 143 views

TINUPOK ng apoy ang bodegang imbakan ng mga piyesa ng motorsiklo noong Huweb sa Caloocan City.

Sumiklab ang sunog dakong ala-1:00 ng madaling araw sa loob ng opisina ng bodega na pag-aari ni Alberto Uy sa 320 A. Poblacion, A. Mabini Brgy. 19.

Nakontrol ang sunog dakong ala-1:38 ng madaling araw.

Sa ulat ng Caloocan City Fire Department, unang nakarinig ng mahinang pagsabog si Kimberly Emilio, caretaker ng bodega, at nang silipin niya malaki na ang apoy.

Walang nasawi o nasugatan sa sunog na puminsala sa may P2 milyong halaga ng ari-arian, ayon sa mga bumbero.

Nauna rito, nasunog din ang may 50 kabahayan sa Brgy. Alabang, Muntinlupa City dakong alas-7:03 ng gabi na nagsimula sa kisame ng ikalawang palapag na bahay ng isang Voltaire Amore sa 7B Ilaya St..

Nawalan ng bahay ang may 50 pamilya sa sunog na naapula ng alas-9:33 ng gabi.

Inaalam pa ng mga tauhan ni Muntinlupa City Fire Marshal Supt. Jeffrey Atienza ang sanhi ng sunog na tumupok sa may P280,000 halaga ng ari-arian.

AUTHOR PROFILE