
Isang tunay na bagong babaeng bayani ng Pilipinas: 1st Lieutenant/Dr. Mercedes Cuello Lazaro Musngi
Si 1st Lieutenant/ Dr. Mercedes Cuello Lazaro Musngi, na kilala bilang “Mommy Ched”, ay isang tunay na bagong babaeng bayani ng Pilipinas. Siya ay pumanaw noong ika-13 ng Marso 2024 sa edad na 100 taon at 7 buwan. Ang henerasyon ngayon ay kumikilala kay Mommy Ched bilang isang makabagong bayani o bagong bayani at itoy nagbibigay ng inspirasyon sa mga kabataan ngayon.🏆
Ang kanyang militar na ama ay naglingkod sa Philippine Navy bilang isang aviation mechanic, habang ang kanyang ina naman ay isang rebolusyonaryo at Katipunera na palihim nagsusuplay ng mga armas sa kanyang mga kapwa rebolusyonaryo sa Bacoor, Cavite. Mula sa kanyang edad na 18 hanggang sa dulo ng WWII, siya ang unang babae na Pilipinong sundalo na naitala sa kasaysayan ng Pilipinas na nag-amputate ng mga braso at binti ng mga sundalong Pilipino at Amerikano na naging biktima ng WWII.
Taong 1941 nang sunugin ng mga Hapones ang Naval Base sa Cavite at kasabay ng pagsiklab ng labanan, namatay ang ama ni Mommy Ched dahil sa mga sugat na natamo sa kasagsagan ng WWIIII ito ay nagka-impeksyon at namatay.
Sa edad na 18, siya ay isa sa mga natatanging dalaga na nagbluntaryo upang maging bahagi ng pagpapatibay ng suportang-militar sa mga paaralan. 🎓 Noong siya ay 19 na taong gulang, tumulong naman siya sa mga lokal na ospital sa pag-amputate o pagputol ng mga bahagi ng katawan ng mga sugatang Pilipino at Amerikanong sundalo. Nang humantong siya sa edad na 20 until 21, naging bahagi siya ng gerilyang sundalo sa Philippine Army.
Naglingkod siya bilang isang combat medic kasama ang unit ni General Castaneda ng Cavite at ang 11th Airborne Division upang tumulong sa US Air Force. Dahil dito, nakadaupang-palad niya si General Douglas McArthur at nakita ng heneral ang hindi pangkaraniwang tapang ni Mommy Ched bilang natatanging babae na gumawa ng mapanganib na amputasyon, at isinama rin siya ni Gen. Douglas Macarthur sa isang mapanganib na misyon at dahil dito siya ay pinagkalooban ng scholarship ng United States Military upang makapag-aral bilang isang Doctor matapos humupa ang WW2. Sa awa at habag ng Diyos at suporta ng biyudang ina siya ay nakatapos ng kursong medisina, naging isang ganap na doctor unang nagtrabaho sa Veterans Memorial hospital sa Manila, at naging isang medical specialist sa San Lazaro Hospital bilang isang batikang doktor ng infectious diseases.
Sa pagtungtong niya ng ika-40 edad, siya ay naging biyuda na mayroong pitong anak. Naging mahirap ang buhay para sa kanya ngunit ipinangako niya sa kanyang mga anak na kahit ano ang mangyari, igagapang niya sila upang makatapos ng pag-aaral sa kolehiyo. At naging totoo at marangal siya sa kanyang pangako, napagtapos niya ang kanyang pitong anak sa kolehiyo.
Sa edad na 65, after retirement as a medical doctor, siya ay naging isang missionary doctor at nagpatuloy sa pagtulong sa ating mga kababayan na walang kakayahang magpagamot. Malugod siyang naglingkod sa Luzon, Visayas at Mindanao para sa lahat ng may karamdaman. Kabilang ang mga katutubo, mga mangyan, mga aeta biyuda, mga ulila, higit sa lahat mga beterano, siya ay nasa ika-90 taong gulang.
Hangang sa edad na 100 taong gulang, siya ay naging isang matapat na Christian missionary na naghahayag ng ebanghelyo at nagpoproklama ng pag-ibig ng Diyos habang tumutulong sa maraming mahirap at nagangailangan psychologically and spiritually. Si Dr. Mercedes Cuello Lazaro Musngi, na kilala bilang “Mommy Ched”, ay isang tunay na bayani ng Pilipinas. Ayon sa kanyang anak na si Kit Lazaro Musngi- Gosiaco, ang kanyang ina ay tunay na nagmamahal sa Diyos, sa Bayan at tunay na nagmamahal sa mga Pilipino. Kahit naging mahirap ang buhay sa kanya ibinigay niya ang natatanging bagay na mayroon siya ang kaniyang pagiging isang doctor. Tinanggap ni Mommy Ched ang Panginoon sa kanyang puso kung kaya’t ito ang nagbigay-daan upang malampasan niya ang sakit ng trauma dahil sa mga naranasan niya noong WWII.
Sa kanyang huling yugto, isa sa kanyang mga inululunsad na adbokasiya ay ang pagpapalaganap ng kaalaman tungkol sa mental health, partikular sa post traumatic stress disorder (PTSD) at ang pagiging mandatory ng mga ito sa lahat ng mga military forces, reservists, at mga paaralan sa Pilipinas, lalo na sa mga panahong nahaharap ang bansa sa tinatawag na posibling World War III.
Dahil sa panahon nila, hindi sila naihanda para lumaban sa WWII. Sa edad na 100 at mahigit-kumulang pitong buwan, siya ay pumanaw matapos ang 2 linggong laban sa sakit na hospital-acquired pneumonia na nakuha niya sa mismong ospital. Ang kanyang mga mahal sa buhay, mga anak at mga apo, ay nagbigay-pugay sa kanya sa huling araw niya sa hospital kasama ang ibang hospital personnel.
Si Ylaysha Gosiaco na kanyang apo, ay nag-alay sa kanyang lola at gumawa ng isang mini-museum sa kanyang burol. Ito ay isang pagpupugay sa kanyang minamahal na lola, bilang, isang medical missionary doctor at isang beterano ng WWII.
(VIDEO LINK 1: https://www.facebook.com/watch/?v=1458212671398081&_rdc=1&_rdr)
Ang mini musuem na ito ay nakakuha ng atensyon ng local media dahil ito ang unang pagkakataon na may gumawa ng mini museum para sa bayani ng isang pamilya na naging bayani rin ng ating bansa. The ABS-CBN covered Mommy Ched’s wakes and burial at gumawa sila ng pambansang ulat ng balita para makita at malaman ng mamamayan ang kagitingangs ginawa ni Mommy Ched para sa bansa.
Sa kanyang huling araw, April 02, 2024 si Mommy Ched ay inilagak sa Libingan ng mga Bayani sa Fort Bonifacio, kung saan siya ay mapapabilang sa iilan lamang na mga babaeng combat guerrillas na lumaban ng WWII. Ang mga Chaplains, mga miyembro ng Army at Navy ng Pilipinas at US military representative ay kabilang sa mga maraming mga military personnel na nagbigay-pugay sa kanya.
(VIDEO LINK 2: https://www.youtube.com/watch?v=-XgVsINVd_U)
Nagbigay-pugay rin ang mga manggagawa kabilang ang mga pastor, ministro mula sa iba’t ibang denominasyon ng mga Kristiyano sa Pilipinas na naging kasamahan at natulungan niya at naging kasama sa paglilingkod sa Dios ng maraming taon. Sa kanyang huling hantungan, sa Libingan ng mga Bayani mahigit-kumulang 250 katao ang nagtipon upang masaksihan ang mga kaganapan at seremonya sa libing ng isang bayani. Mababanaag sa mata ng lahat ng tao ang kanilang malungkot na pakikiramay habang sila ay nagbigay ng kanilang mga huling pagsaludo sa namayapang bayani. Si First Lieutenant/Dr. Mercedes Cuello Lazaro-Musngi ay binigyan ng full military honors with 21-gun salute para sa kanyang matapat na serbisyo sa Bayan sa Tao higit sa lahat sa Dios na lumikha sa kanya.
Si Kit Lazaro Musngi-Gosiaco naman, ang kanyang anak, ang tumanggap ng bandila ng Pilipinas simbolo ng kagitingan, katapangan at pagmamahal sa Bayan ng namayapang ina 🏆
Sa kasalukuyan, ang kanyang kwento ay hindi natatapos sa kanyang pagkawala, ayon sa isang official Philippine Army page na nagbigay din ng parangal sa kanya dahil sa kanyang mga naging ambag sa ating kasaysayan. Kinilala siya at binigyan siyang pugay ng Philippine Naval Operating Base- Subic at Philippine Navy BRP Jose Rizal Battleship.
Alinsunod sa isang historian ng PVAO, si Sir Josh Carandang mayroong tatlong kilalang bayani na doctor at war hero sa Pilipinas. Ang una ay si Dr. Jose Rizal, ang isang ophthalmologist.
Sumunod ay si Dr. Pio Valenzuela kung saan ang lungsod ng Valenzuela ay ipinangalan sa kanya. Dr. Fe Del Mundo, isang pediatrician na ginawang National Scientist. Ang ikatlo naman kung saan ay nakikilala pa lamang sa kasalukuyan, ay si Dr. Mercedes Cuello Lazaro – Musngi na isang missionary doctor na batikang espesyalista ng mga infectious diseases, naging isang guerilla combat first aid medic na nag amputate ng maraming sundalong pilipino at Amerikano na biktima ng WWII.
Sa pagdiriwang ng Araw ng Kalayaan sa gitna ng Rizal Park sa Luneta noong June 14, 2024, ang Civil Military Operations Army Regiment sa pamamagitan ni Col. Marces Gayat ay naglaan ng pwesto sa Philippine Army History Booth, upang bigyang parangal ang legasiya ni Mommy Ched sa publiko.
Ang kanyang kuwento ay nag-iwan sa mga tao ng mas malaking paghamon at pagkaunawa at kaalaman ukol sa trauma at mental health, at nagpapatunay na ito ay hindi naging hadlang sa kanyang tapang at kagitingan. Matapos masaksihan ang kanyang buhay na ipinakita sa pamamagitan ng mga kwento, video at memorial boards, marami ay nagsabi na sila ay nagkaroon ng mas malaking pagkaunawa at pagmamahal para sa kanilang bansa, mga kapwa tao, at higit sa lahat ay sa Diyos.
Ang apo ni Mommy Ched na si Ylay, ay nagsabi na sa pagkawala ni Mommy Ched, mas lalo siyang nabuhay dahil sa kanyang kwento – at ito ay habambuhay na nakaukit sa kasaysayan at sa puso ng henerasyon ngayon.
Ang kanyang kwento ay nagbibigay ng karangalan sa kanyang legasiya na noo’y hindi napapansin, nagtuturo ng pagpapahalaga sa kasaysayan mula sa WWII, at nagbibigay inspirasyon sa kasalukuyang henerasyon at ito ay maging paalala para sa mga sundalo, beterano, tahimik at hindi kilalang mga bayani na nararapat kilalanin at bigyang pugay para sa kanilang mga sakripisyo, kontribusyon sa kalayaan, dignidad, at kasarinlan na ating natatamasa hanggang sa ngayon.
At isa sa kanyang mga paboritong talata sa Biblia ay…” Ginawa niya ang bawa’t bagay na maganda sa kapanahunan niyaon: inilagay rin niya ang sanglibutan sa kanilang puso, na anopa’t hindi matalos ng tao ang gawa na ginawa ng Dios mula sa pasimula hanggang sa wakas.” Manunulat 3:11
At sa katunayan dumating ang panahon upang sya ay kilalanin bilang isang bagong hero “bayani” ng ating henerasyon. Ang lahat ng taong nakakilala at nakadaupang palad nya sa kanyang buhay, siya’y nagsilbing inspirasyon at nagbigay pag-asa sa kanila kung kaya ito ay naging dahilan sa marami na sila’y naantig upang sila ay magbigay ng papuri at pagpupugay kay First Lieutenant/Dr. Mercedes Cuello Lazaro Musngi upang bigyan sya ng karangalan bilang isang bayani na larawan ng may kababaang loob at “silent hero”. Ito ay isang hamon para sa lahat niyang nakikita, mula sa matanda hanggang sa kabataan, mula ang pinakamataas na ranggo hanggang sa pinakamababa sa masa sa kalye, mula sa mga sibilyan hanggang sa mga kasundalohan, mula mga tao sa lahat ng mga kilusan ng relihiyon. Ang kanyang pag-ibig para sa Diyos ay inspirasyon sa lahat. Siya ay naging modelo ng ating henerasyon.Ayon sa youth leaders sa Masinloc, Zambales, na kung saan malapit sa Scarborough Shoal na ngayon ay hinaharas ng China ang mga lokal na mangingisda, sila ay nagsabi na si Mommy Ched ay isang inspirasyon para sa kanila na mas tumapang at lumaban para sa ating bansa . Ayon sa isang anak ng pastor sa Masinloc sinabe niya na si Mommy Ched ay 18 taong gulang lamang, ng nakipaglaban noong WWII, kaya sino siya na hindi makikipaglaban? Kaya ang sabi niya, “Laban tayong lahat para sa Pilipinas!”
Ang apo ni Mommy Ched na si Ylay, ay nagsabi na sa pagkawala ni Mommy Ched, mas lalo siyang nabuhay dahil sa kanyang kwento – at ito ay habambuhay na nakaukit sa kasaysayan at sa puso ng henerasyon ngayon.
Ang kanyang kwento ay nagbibigay ng karangalan sa kanyang legasiya na noo’y hindi napapansin, nagtuturo ng pagpapahalaga sa kasaysayan mula sa WWII, at nagbibigay inspirasyon sa kasalukuyang henerasyon at ito ay maging paalala para sa mga sundalo, beterano, tahimik at hindi kilalang mga bayani na nararapat kilalanin at bigyang pugay para sa kanilang mga sakripisyo, kontribusyon sa kalayaan, dignidad, at kasarinlan na ating natatamasa hanggang sa ngayon.
Makabayan. Makatao. Makadiyos. Tanging Ina ng Pamilya at ng Bayan na binigay ng Maykapal. Maraming Salamat Mommy Ched. 🙏
🎖️Ating ipagdiwang ang isang bagong bayani! 🇵🇭 Mabuhay ka, Mommy Ched! 👏 Laban Pilipinas. Kalasag!.
For more information, please check Mommy Ched’s Facebook page to be updated with her stories, future projects, mini museum events and social media updates.
1. https://web.facebook.com/profile.php?id=61557875522759
And to check her advocacy for trauma-informed mental health education regarding post-traumatic stress disorder and protection against sexual abuse . Please check The Mind Warriors Project: KALASAG
2. https://web.facebook.com/TheMindWars