Default Thumbnail

Biyudo nagpositibo sa COVID nagbaril sa sarili

April 23, 2021 Cesar Reyes 310 views

ISANG 49-anyos na biyudo ang nagbaril sa sarili nang malamang nagpositibo siya sa COVID -19 Huwebes ng happn sa Bgy. Rizal, Natividad, Pangasinan.

Ang biktima ay isang clerk sa RTC Tayug, Pangasinan at residente ng nasabing lugar.

Ayon sa report, ang mga tauhan ng Natividad Police Station sa pangunguna ni PCapt. Rommel DL Sembrano, OIC, kasama sina Dr. Felix C. Briones, MHO, Winston R. Julio, MDRRMO na kumpleto sa suot na PPE uniform ay rumesponde sa inireport na suicide incident.

Ang biyudo ay nagpakamatay umano gamit ang isang kalibre .38 na rebolber na walang serial number.

Sa inisyal na imbestigasyon, magmula ng malaman na nagpositibo ang biktima sa resulta ng kanyang antigen test ay nagkaroon na ito ng depresyon na merong kasamang suicidal tendency, ayon sa kanyang mga kamag-anak.

Ang bangkay ng biktima ay dinala sa Vidal Funeral Homes at Garden of Eden Crematory, Calasiao, Pangasinan para i-cremate.

AUTHOR PROFILE