Default Thumbnail

Binatilyo, 18, timbog sa P2M shabu sa Davao City

June 24, 2023 Zaida I. Delos Reyes 303 views

ARESTADO ang isang 18-anyos na lalaki matapos na makumpiskahan na P2 milyong halaga ng hinihinalang shabu sa operasyon ng pulisya nitong Biyernes ng gabi sa Davao City.

Ang suspek ay kabilang sa listahan ng “high-value target” (HVT) individual ng PNP na may kaugnayan sa kalakaran ng iligal na droga.

Ang suspek sa iligal na droga ay naaresto sa buy-bust operation na isinagawa sa Barangay Governor Paciano Bangoy, sa nasabing lungsod.

Hindi na nakapalag ang suspek nang posasan matapos niyang iabot ang 103 grams ng shabu na nagkakahalaga ng P1,000 sa poseur buyer.

Nakuha din mula sa suspek ang isang maliit at dalawang malaking plastic sachets ng shabu na nagkakahalaga ng P2-milyon.

Ang suspek ay nakakulong ngayon sa Bajada Police Station at nahaharap sa kaukulang kaso.