Posas

Binatang wanted sa pagpatay huli sa Quiapo

September 20, 2023 Jojo C. Magsombol 329 views

KAMPO HENERAL MIGUEL MALVAR, Batangas – Arestado ng mga otoridad ang isang 30-anyos na most wanted person (MWP) para sa murder sa isinagawang operation sa Quiapo, Metro Manila noong Linggo ng hapon.

Ayon sa report ni Batangas Police Provincial Director Col. Samson B. Belmonte kay Police Regional Office Calabarzon (Cavite/Laguna/Batangas/Rizal/Quezon) Director Police Brigadier General Carlito M. Gaces, ang suspek ay nakilalang isang alias Jun-Jun, walang asawa, walang trabaho, tubong Camarines Sur at nakatira sa Bgy. Tuktukan, Guiginto, Bulacan at sa Quiapo, Manila.

Inaresto ng mga operatiba ng Balete Municipal Police Station (MPS) kasama ang Goa MPS, Caramoan MPS, Sta. Cruz MPS-3, Plaza Miranda PCP- Quezon Blvd., 2nd MP 2nd BPMFC, 2nd coy BPMFC, 403rd A MC RMFB 4A, RIU4A PIT Batangas, RID4A RIT, RSOU-4A, Batangas PIU and MARPSTA SOU3 ang suspek noong Setyembre 17, 2023 sa Hidalgo St., Quiapo.

Naaresto ang akusado sa bisa ng warrant of arrest na inilabas ng Regional Trial Court, (RTC) Branch 58, Fifth Judicial Region ng San Jose, Camarines Sur na may petsang Mayo 18, 2022. Walang inirekomendang piyansa.para sa pansamantalang kalayaan ng suspek.

Napag alamang noong Setyembre 14, 2021 ay pinagsasaksak at napatay ng suspek ang biktima sa Bgy. Ilawod, Caramoan, Camarines Sur.

Ang akusado ay kasalukuyang nasa himpilan ng Balete Municipal Police Station para sa kaukulang disposisyon.

AUTHOR PROFILE