Posas

2 lalaki timbog sa droga sa Batangas

September 20, 2023 Jojo C. Magsombol 175 views

KAMPO HENERAL MIGUEL MALVAR, Batangas — Dalawang lalaki ang arestado sa magkahiwalay na buy-bust operations ng mga operatiba ng Batangas Police Provincial Office (BPPO) sa bayan ng Lemery at Tanauan City Lunes ng hapon.

Ayon sa report ni Batangas Police Provincial Director Col. Samson Belgica Belmonte kay Police Regional Office Calabarzon (Cavite/Laguna/Batangas/Rizal/Quezon) Director Police Brigadier General Carlito M. Gaces ang mga suspek ay nakilalang si alyas Arjohn, 27, residente ng Bgy. Maguihan, Lemery, at isang alyas Max, 47, ng Bgy. Ulango, Tanauan City, sa Batangas.

Unang naaresto dakong 4:35 p.m. ng Setyembre 18, 2023 si Arjohn. Narekober mula sa kanya ang ilang gramo ng hinihinalang shabu.

Sa Tanauan City dakong 6:42 p.m. ng parehong petsa ay naaresto si Max.Nakumpiska sa kanya ang ilang gramo ng hinihinalang droga.

AUTHOR PROFILE