Default Thumbnail

Bicol solon isinusulong malaking cruise ship port

May 3, 2023 Ryan Ponce Pacpaco 176 views

HINIMOK ni Ako Bicol Party-list Congressman Elizaldy Co ang Department of Public Works and Highways (DPWH) na tapusin ang pagtatayo ng International Cruise Ship Terminal sa Legaspi, Albay.

Kamakailan kasi dumaong ang isang cruise ship na galing pa sa Germany, lulan ng 200 turista, para masilayan ang Mayon Volcano at iba pang tourist attraction sa lugar.

Ayon kay Co, “(Kapag) natapos na ang International Cruise Ship Port sa Legaspi, tiyak dadayuhin ng mga cruise ship ang lugar.”

“More cruise ships coming means more tourists, siyempre maraming income at trabaho ang papasok,” dagdag pa ni Co, na chairman din ng House Appropriations Committee.

Ayon sa mambabatas, may inumpisahan na international port sa nasabing lugar pero hindi natapos dahil sa kakulangan sa budget.

Dagdag pa ni Co, “I urged DPWH to finish this project kasi ito ang isa sa mga programa ng PBBM administration na palakasin pa ang turismo ng Pilipinas.”

Pagmamalaki pa ng mambabatas, maraming magandang tourist attraction sa Bicolandia, hindi lang ang Mayon Volcano, kundi mga Butanding, at mga historical sites at iba pa.

AUTHOR PROFILE