Default Thumbnail

Beep card maraming benepisyo

September 26, 2022 Jun I. Legaspi 600 views

Jun LegaspiPANAHON na ngayon ng computer technology kung kaya’t dapat sumabay sa takbo ng makabagong teknolohiya ang bawat isa.

Kaya naman maging sa sistema ng transportasyon isinusulong na rin ang makabagong teknolohiya na magpapaunlad at magpapabilis sa sistema ng kabuhayan ng mamamayan lalo na ng riding public.

Isa sa isinusulong ngayon ang paggamit ng Beep card bilang mabisa at sistematikong gamit sa public transportation lalo na sa public utility jeep at pampublikong bus.

Suportado ng gobyerno at mga public transport operators ang paggamit ng card bilang pambayad sa mga public transport lalo na sa bus at nang mga bagong jeepney.

Kabilang sa mga benepisyo ng beep card ay ang pagbabayad ng eksaktong halaga, hindi na magsusukli at walang overcharging at undercharging sa mga Beeprides passenger.

May kakayahan ding makagawa ng sponsored fare discount promos depende sa ruta at hindi na kailangan maghintay ng sukli pa mula sa driver o conductor.

Bukod dito ang kagandahan ang beep card ay mababawasan ang pagnanakaw dahil ito ay card based.

Sa hanay naman ng transport sector, pabor dito ang mga lider at samahan ng transport group dahil mas mapapabilis nito ang serbisyo sa riding public ng walang inaasikasong bayad mula sa mga pasahero.

Samantala isa naman sa benepisyo ng beeprides sa mga driver ay eksakto ang pamasahe at makakapag-concentrate ang mga driver sa kanilang pagmamaneho at hindi makakapanloko ang mga pasahero ng hindi nagbabayad ng pasahe.

Pahayag ng mga pasahero lalo na ng mga estudyande na sakto lamang ang budget sa pamasahe, konbiyente ang mga beep card at mabibili ang mga ito sa mga retailers sa kanilang mga biyaheng ruta partikular sa mga sari sari stores sa kahabaan ng kanilang mga biyaheng ruta.

Kung masira man ang beep card wala din dapat ipag-alala dahil madali itong mapalitan upang makabili ng bago ang pasahero.

Malaking benepisyo rin ang beep card sa mga operators ng bus o ng jeep dahil sa mataas na benta nito, maiiwasang manakaw, at maaaring masukat ang passenger load upang madetermina ang kung ilang beses sumakay.

Kaugnay nito may kaukulan din benepisyo ang beep card sa mga drivers at conductors dahil makakakuha sila ng insentibo dahil sa pag-promote at paggamit ng cashless payment at makakakuha din sila ng bigas at school supplies.

Sa datus na nakuha ng Transport@pasahero 72.76% o halos 5,000 buses sa Metro Manila ang nasisiyahang gumagamit ng BEEPRides system o BEEPCards. Sa ngayon, 21 out of 31 ruta ay Beep Rides Cards na ang gamit ng mga pasahero. Para sa mas magandang serbisyo sa mga pasahero patuloy ang negotiations para sa iba pang mga routes sa buong bansa sa paggamit ng BeepRides o BeepCards. MABUHAY ANG MGA PASAHERO! ([email protected])

AUTHOR PROFILE