Default Thumbnail

Bebot huli sa droga

May 21, 2023 Jonjon Reyes 196 views

NATIMBOG ng mga tauhan ng Station Drug Enforcement Unit ( SDEU) ng Manila Police District – Sta.Cruz Police Station 3 ang babaeng miyembro umano ng Sputnik Gang sa buy-bust operation na isinagawa Linggo ng madaling araw sa Carlos Palanca Sr. Street sa Quezon Boulevard, Quiapo, Manila.

Kinilala ni Police Lieutenant Colonel Ramon Czar Solas, Station Commander ang target ng operasyon na si Jennifer Guarte, 43, vendor, ng Sika Street, Quiapo.

Ayon sa ulat ni Police Captain Rowell Robles, hepe ng MPD- SDEU, isinagawa ang buy-bust sa pangunguna ni Police Executive Master Sargent Rommel Rey bandang 2:30 a.m.

Si Police Staff Sargent Roger Soria ang nagpain ng pera kapalit ng droga sa naka-park na sasakyan sa naturang lugar.

Nakarekober ng pitong plastic sachet ng hinihinalang shabu na nasa mahigit kumulang sa anim na gramo ang timbang at may street value na P40,800.

Dahil dito, pawang nahaharap sa kasong paglabag sa Republic Act 9165 Article ll ( Dangerous Drug Act of 2002).

Agad namang nag paabot ng mensahe ng pasasalamat at papuri si “The Game Changer General”MPD Chief.Police Brig.Gen.Andre P. Dizon sa mga kapulisan ng Maynila Matapos ang walang sawang pagpapatupad ng Programa nito sa kanilang mga kinasasakupan.

AUTHOR PROFILE