Carnap Nagpasalamat si “The Game Changer General” MPD Chief. PBGen. Andre P. Dizon sa mga operatiba ng MPD DACU at mga kapulisan ng Northern Police District dahil sa pakikipagtulungan sa kanyang mga tauhan laban sa carnapping. Kuha niJON-JON C. REYES

‘Carnap suspect’ nakorner ng MPD, NBI

May 21, 2023 Jonjon Reyes 257 views

ARESTADO ang isang 36-anyos na lalaking suspek sa pag-carnap ng pampasaherong van sa Malate, Manila.

Nakilala ang suspek na si Reggie Tembrina , may asawa, driver, ng Bagong Silang Barangay 176 , Caloocan City.

Base sa ulat ng District Anti-Carnapping Unit ( DACU ) ng Manila Police District , noong nakaraang Mayo 14, 2023 ng bandang 10 p.m. nang tangayin ang passenger van na naka park sa tapat ng isang Medical Clinic sa Leon Guinto.

Nakita sa CCTV nang nakawin ang van 9 a.m.

Ang suspek ay nahaharap sa kasong paglabag sa Republic Act 10883 otherwise known as New Anti – Carnapping Act of 2016..

Pinuri ni “The Game Changer General” MPD Chief. PBGen.Andre P. Dizon ang mga operatiba ng MPD DACU at Northern Police District sa pakikipa tulungan sa kanyang mga tauhan laban sa carnapping.

AUTHOR PROFILE