Beaver

Beaver ibinalandra ang tunay na relasyon nila ni Maxine

April 16, 2024 Vinia Vivar 144 views

Kinulit ng entertainment press ang young actor na si Beaver Magtalas tungkol sa real score sa kanila ng kapwa-Star Magic talent na si Maxine Trinidad sa ginanap na premiere night ng pelikula nilang When Magic Hurts nitong Martes.

Si Maxine ang isa sa leading ladies ni Beaver sa pelikula alongside former child actress Mutya Orquia.

Si Maxine rin ang prom date ng young actor sa katatapos na Junior-Senior (JS) Prom ng kanyang school (College of Immaculate Concepcion) sa Nueva Ecija.

Bale ba ay nali-link din si Beaver kay Mutya, na naging prom date naman niya sa Star Magical Prom nitong nakaraang Marso.

Marami tuloy ang nagtatanong kung bakit hindi si Mutya ang isinama ni Beaver sa JS prom sa school.

“Si Maxine po, I asked her to be my prom date nitong, well, a couple of days ago since I wanted her to see Nueva Ecija as well. Kasi si Mutya po, we’ve been going to Nueva Ecija quite often na and I also wanted Maxine to experience and see the beauty of Nueva Ecija, my province. And gusto rin po actually ng mga friends ko na ma-meet siya,” paliwanag ni Beaver.

Natatawa na nga lang sila ni Maxine sa mga nagtatanong kung sila na ba pero talagang friends lang sila just like friend din niya si Mutya.

Hindi umano siya namamangka sa dalawang ilog dahil magkakaibigan silang tatlo’t mga bata pa sila para isipin ang pakikipagrelasyon o pagliligawan.

Sa When Magic Hurts lang daw sila may love triangle at hindi in real life.

“Wala po. Talagang friends po kaming tatlo. I can confidently say that po na talagang ‘yung bond po namin because of this movie is super-pure and talagang super-different po from any other friendship that other people have.

“Kasi dito po, nag-lock-in kami and we got to spend a lot of time together and I feel like ‘yun po ang talagang nagpa-close sa amin sa isa’t isa and even after that nga po, we still hang out. So, hindi po nawawala ang pagiging close sa aming tatlo,” sey ng promising young actor.

Samantala, masaya si Beaver na finally ay maipapalabas na sa mga sinehan ngayong Mayo ang When Magic Hurts na matagal din nilang pinaghirapan.

Marami silang hinarap na challenges habang sinu-shoot ang pelikula last year sa Atok, Benguet, kabilang na ang napakalamig na klima at super-typhoon.

“I’m overwhelmed with emotion, pero all in all po, I’m overwhelmed with joy and excitement po talaga na ‘eto na, mamaya po nandito na, makikita ko na rin po kasi I haven’t watched it po, eh. Ngayon ko lang din po makikita kasabay ninyong lahat.

“So, I’m really excited and hopefully I receive good feedback but of course, I’m also requesting po sa mga tao to critic me para po matutunan ko po ‘yung mga kailangan ko pong i-improve,” ani Beaver.

Mula sa direksyon ni Gabby Ramos at produced by Rems Entertainment, kasama rin sa pelikula sina Dennis Padilla, Angelica Jones at marami pang iba with the special participation of Claudine Barretto.

AUTHOR PROFILE