Bayanihan sa community pantries
HIGHEST level na ang nakikita nating bayanihan sa ating mga Pinoy sa gitna ng patuloy nating pakikibaka sa COVID-19.
Nagsimula sa Maginhawa St. sa Quezon City, ngayon nasa iba’t ibang sulok na ng Pilipinas ang mga community pantry na isang malaking tulong para sa mga nangangailangan ngayong pandemya.
Kaya tulad ni Senador Sonny Angara, hinihimok pa natin ang gobyerno at mga private entities na gayahin ang community pantries na kumakalat ngayon sa iba’t ibang panig ng bansa.
“It is encouraging to see more Filipinos demonstrating the bayanihan spirit by putting up community pantries for the benefit of people who are struggling during these very challenging times,” saad ni Angara.
“Maliit na bagay kung tutuusin ang pamamahagi ng libreng gulay, prutas, bigas, tubig o noodles ng isang tao, pamilya o grupo ng tao, para sa mga naghihirap sa panahon na ito dahil sa nawalan sila ng hanapbuhay ay malaking tulong na ito para mapatid ang gutom hanggang sa makaahon na sila muli sa pandemiya na hinaharap ng ating bansa,” diin pa ni Angara.
Binigyang-diin ni Angara na ang maliliit na aksyon na ito ng pribadong mamamayan ay may malawak na epekto at marami ang natutulungan.
“We encourage our local government units, the national government, and even private businesses who can afford it to replicate and even scale up these community pantries to cater to even more people,” diin ni Angara.
“One small gesture when duplicated by a large number of people will amount to something very meaningful,” dagdag nito.
Bagama’t hindi natin maiiwasan na may mga mangangamba na posibleng magdulot din ng pagkalat ng virus ang pagpila ng ating mga kababayan sa mga community pantries, kailangan din nating maunawaan na marami ang sadyang umaasa sa mga ganitong aksyon.
Ang kailangan na lamang ay ang tulong ng ating mga barangay officials at volunteers sa pagpapanatili ng kaayusan at pagsunod pa rin sa health protocols.
Sa mga kababayan naman nating pumipila sa mga community pantries, nananawagan tayo na sila mismo ay magpatupad ng disiplina sa kanilang sarili upang hindi na makadagdag sa mga inaalala ng gobyerno.
Samantala, may punto rin sina Senator Ping Lacson at iba pang kritiko ng pamahalaan na bagama’t maganda ang mga community pantries, maituturing pa rin itong senyales ng pagiging desperado at pagpapakita na marami sa ating mga kababayan ang hindi na makaasa sa tulong ng gobyerno.
“It is good that through the community pantries, we see mutual aid by neighbors and barangay residents. But this is also a sign of desperation, that people can no longer rely on government to help them,” pahayag ni Lacson.
“That said, those involved in community pantries must also remember to follow the proper health protocols to make sure they do not get infected,” dagdag pa nito.
“When you realize you cannot rely solely on government, you band together to find ways to survive,” diin pa ng senador.
Sa panig ni Senador Grace Poe, senyales na rin ito ng kawalan ng pagasa.
“This is a sign that not all hope is lost. The good in our fellow countrymen is shown through these community pantries. However it’s a wakeup call that government must do more to provide for the people,” pahayag ni Poe.
Samantala, sinabi ni Senador Imee Marcos na bagama’t buhay ang bayanihan, maituturing ito ng kawalan ng sapat na ayuda mula sa gobyerno.
“Patunay lang na kaya nating Pilipinong tumayo sa sariling mga paa sa gitna ng pandemya, na kahit paano lalabanan natin ang gutom at pandemya para sa ating mga pamilya. Ang nagsulputang community pantries ang nagpapatunay na buhay na buhay ang “Bayanihan”, pero sumasalamin din ito sa kawalan ng sapat na ayuda mula sa gobyerno,” diin ni Marcos.
Kahit naman itanggi ng pamahalaan na may pagkukulang sa kanila, hindi na panahon ng sisihan ngayon kundi panahon ng tulungan.
Mas maganda ring umamin sa pagkakamali dahil dito tayo matuto lahat.
Ika ‘nga, there’s always room for improvement.