Default Thumbnail

‘Batang’ ama nagbigti sa San Andres Bukid

September 16, 2022 Jonjon Reyes 457 views

HINDI na umano nakayanan pang mabuhay ng isang 16-anyos na binatilyong ama dahil bukod sa iniwan na ito ng kanyang kinakasama, ipinagkait pa umano na hindi na ipakita ang kaisa-isang anak, nang madiskubre wala nang buhay na nakabigti sa kanilang kuwarto, madaling araw nitong Biyernes.

Ang biktimang ay isa umanong “batang” ama dahil sa maaga itong nagkaroon ng anak at kinakasama na nakatira sa San Andres Bukid, Maynila.

Base sa ulat na isinumite ni Det. Jason Ibasco kay P/Lt. Dennis Turla, hepe ng Manila Police District (MPD) Homicide Section, bandang 12:00 ng madaling araw nang madiskubreng patay na ang biktima sa kanilang kuwarto na nakatali pa ang leeg ng kulay asul na lubid na nylon, malapit sa likuran ng pinto at nakasabit sa kisame.

Naisugod pa ito sa Ospital ng Maynila, subalit idineklara itong “dead on arrival”.

Nabatid sa salaysay ng ina ng biktima na “Masyadong na depress yung anak ko… iniwan na nga ito ng kinakasama, maging ang anak ay ayaw pa nitong ipakita.”

Wala pa umano halos isang buwan ng isilang ng kanyang kinakasama ang anak nito, at saka na lamang umano siya nito iniwan.

AUTHOR PROFILE