Binoe

Barong ni Sen. Robin sa SONA, binili sa mall

July 25, 2022 Jun Nardo 804 views

Heart

BINILI sa isang mall ni Senator Robin Padilla ang suot niyang barong kahapon sa SONA ni Presidente Bongbong Marcos, ayon sa pahayag ng senador sa interviews.

Sa nababasa naming mga ulat, kilalang designers ang gumawa ng barong ng ilang senador at Filipiniana ng mga senadora.

Siyempre, rampa time ito ng mga elected official lalo na’t face to face na ang SONA ni Presidente Marcos.

Abangers kung sino ang mga best-dressed at worst dressed sa mga dumalo sa 2022 SONA.

Isa sa mga maagang nag-trending ang misis ni Sen. Chiz Escudero na si Heart Evangelista dahil sa kasimplehan ng suot niyang puting Filipiniana dress/gown na gawa ng kaibigang designer na si Mark Bumgarner.

ORDERS, ’DI KINAYA

HINDI kinaya ng katawang lupa ni Ai-Ai de las Alas ang orders ng produkto niyang ube pandesal at milk buns.

Overwhelmed si Ai-Ai sa orders kaya nagpasalamat siya sa kanyang Instagram sa lahat.

‘Yun nga lang, sa caption niya, “Ngunit may hangganan ang katawang lupa ko. Tatapusin ko na lamang ang pending orders. Hahanap muna ako ng makakasama at tutulong sa paggawa ng breads. Mahirap ’pag mag-isa ka lang.”

Nangako naman ang Raising Mamay actress ng GMA kung kailan niya ibabalik ang delicious pandesal niya.

Subalit sa pagtigil ng pandesal, kapalit naman nito ang maganda niyang balita, ang pagdating ng kanyang Martina’s cakes.

“Maraming salamat sa inyong pang-unawa. TO GOD BE THE GLORY ALWAYS!” saad pang Comedy Queen.

AUTHOR PROFILE