Baron pinag-uusapan na naman

October 16, 2022 Aster Amoyo 541 views

Baron1

BARON Geisler is being talked about again. This time, hindi dahil sa isang gulo na kinasasangkutan niya kundi dahil sa pelikulang “Doll House” na napapanood ngayon sa Netflix Philippines. It was Marvs Productions who gambled on Baron to lead this tear-jerking family drama movie na sinulat ni Onay Sales at dinirek ni Marla Ancheta. Kasama niya rito ang child actress na si Althea Ruedas, at sina Ricardo Cepeda, Alwyn Uytingco, Phi Palmos, Mary Joy Apostol, Katareena Beron at iba pa. Walang big star in the movie pero ang magandang kuwento, ang mahusay na pagkakadirek at pagkakaganap nina Baron at Althea made the movie number 1 on Netflix and even making it to the Top 10 ng mga streamed films on said platform.

We see Baron in the mold of John Arcilla. Given meatier roles ay kaya pang bumawi at umalagwa nang husto ang karera nito bilang actor.

Pagkatapos ng “Doll House,” malamang na maging in-demand si Baron bilang lead actor.

Umani si Baron ng iba’t ibang papuri hindi lamang sa mga nakapanood nito kundi mula sa kanyang mga kasamahan sa industriya.

Kung pagbabasehan ang maraming personal experiences sa buhay ng 40-year-old actor, marami talaga siyang paghuhugutan bilang actor.

Baron entered showbiz when he was 12 via ABS-CBN’s teen-oriented show, “Ang TV” na sinundan ng “ASAP” in 1995 kung saan siya naging bahagi until 2005.

Naging bahagi rin siy ng isa pang youth-oriented show, ang “Gimik” at ng drama series na “Esperanza” na pinagbidahan ni Judy Ann Santos. Taong 1999 naman nang maging bahagi siya ng top-rating and long-running teen drama series, ang “Tabing Ilog” which launched the respective careers nina John Lloyd Cruz, Kaye Abad, Jodi Sta. Maria, Paolo Contis, Patrick Garcia, Desiree de Valle at Rica Peralejo. Kasama rin sa programa sina Dimples Romana, Marvin Agustin, Andrea del Rosario, Mylene Dizon, Matet de Leon at Camille Prats.

Habang nagbibinata si Baron, he has had a string of relationships. Una kay Jodi Sta. Maria. Naging girlfriend din niya noon sina Matet de Leon, Kristine Hermosa, Tara Tambunting, Dionne Monsanto, Cai Cortez at iba pa including theater actress na si Raf Bravo at ang Fil-Australian na si Rachel Stephenson.

Sumikat at kumikita ng malaking pera, natuto si Baron ng iba’t ibang bisyo including drugs and alcohol.

It took a toll on his career kaya halos wala nang producer ang nagtitiwala sa kanya.

Nakumbinse siya ng pamilya na magpa-rehab at dito niya nakilala ang kanyang wife ngayon, ang Cebu-based psychologist at single mom of two na si Jamie Evangelista na nakilala niya nung September 2018.

It was in July 2019 when he proposed to her and got married in civil rites nung September 12, 2019 sa Quezon City Hall.

Isinilang naman ni Jamie ang kanilang first baby ni Baron na si Talitha Cumi nung January 22, 2020 bago ang pandemya.

Baron admits na malaki umano ang kanyang ipinagbago dahil sa misis niyang si Jamie at anak na si Tali although there was a time na sandali silang nagkahiwalay dahil paminsan-minsan ay bumabalik pa rin ang hilig ng actor sa pag-inom at hindi rin nawawala sa kanila ang away mag-asawa.

Taong 2018 nang sumali si Baron sa Maranatha Christian Fellowship, a Bible-based spirit-led congregation in Cebu at dito ring nagsimulang mag-share ang actor sa kanyang mga naging karanasan.

Nung September 2019, nag-aral siya ng AB Theology sa pamamagitan ng modular course at siya’y nagtapos kamakailan lamang.

Taong 2020 naman when he enlisted himself sa Philippine Navy in Cebu at Navy reservist na siya ngayon.

Si Baron ay nasa pangangalaga ngayon ng Viva Artists Agency kung saan pawang contravida and supporting roles ang ibinibigay sa kanya.

Sana tuluy-tuloy na rin ang kanyang pagbabago not only for himself kundi para na rin sa kanyang pamilya.

KeanMayonnaiseAlondra

The Beer Factory maganda ang konsepto

BONGGA ang launch ng ng The Beer Factory na matatagpuan sa Eton Centris in Quezon City na ginanap last Saturday (October 15) evening sa Eton Centris. The event was hosted by Kapuso celebrities na sina Valeen Montenegro at Dianne Medina with another girl na hindi namin nakuha ang name. Ang performers ay pinangunahan ng singer-actor na si Kean Cipriano along with DJ Alondra Cleofa, ang grupong Mayonnaise, Nobita, Loki, JROA at FlowG.

Dinagsa nang napakaraming tao ang nasabing event at talagang ginastusan nang husto ng may-ari ang grand opening nito.

The Beer Factory must have been inspired by The Beer Store in Toronto, Canada at The Beer Factory & Kitchen sa ibang bansa.

Maganda ang konsepto ng The Beer Factory para sa mga beer drinker at mahilig gumimik.

Dominic may sorpresa kay Bea

SA araw na ito ng Lunes, October 17 ay 35th birthday ng Kapuso actress na si Bea Alonzo kaya tiyak na may special na sorpresa ang kanyang boyfriend of three years, ang actor na si Dominic Roque (32).

Si Dominic ay pamangkin ng US-based actress na si Beth Tamayo na dinalaw nina Dominic at Bea last July nang magbakasyon sa Amerika ang magkasintahan sa loob ng halos isang buwan.

The actor admits na si Bea na ang gusto niyang makasama habambuhay at proposal na lamang ang hinihintay sa kanya ng publiko.

Alam ni Dominic na superstar ang kanyang girlfriend pero pagdating sa kanilang relasyon ay pareho silang private individuals na mas nangingibabaw ang pagmamahal at suporta nila para sa isa’t isa kaya nagwu-work smoothly ang kanilang relasyon.

Behind the cameras, parehong simple lamang ang dalawa.

SUBSCRIBE, like, SHARE and hit the bell icon of “TicTALK with Aster Amoyo” and “INSIDE SHOWBIZ with Aster Amoyo” on my YouTube channel. Follow me on Instagram and Facebook@asteramoyo and Twitter@aster_amoyo.

AUTHOR PROFILE