Baron

Baron, napasubo sa kinky scenes

May 27, 2022 Vinia Vivar 494 views

Ang paghuhubad ni Baron Geisler at ang napakarami niyang love scenes ang isa sa mga highlight ng Vivamax Original Movie na Pusoy.

Ngayon lang kasi namin nakita ang magaling na aktor sa mga ganito ka-daring na mga eksena.

Aminado naman si Baron na talagang hindi naging madali para sa kanya ang mga ginawa niya sa pelikula. At hindi rin daw niya alam na ganito kagrabe ang mga sexy scene niya dahil wala raw silang script.

Si Direk Brillante Mendoza ang producer ng Pusoy na kilala talaga sa paggawa ng pelikula na walang script.

Kwento ni Baron sa mediacon matapos ang private screening ng Pusoy, tinawagan siya ni Direk Brillante at sinabihan na may pelikula siyang gagawin. Umoo naman daw siya agad.

“Next day nag-meeting na kami, sabi niya (Direk Brillante), ‘o, maganda mga eksena rito, ha, o ‘wag kang iinom, ha,’” kwento ni Baron.

Nang mag-shoot na sila, nagulat na lang daw siya na pinagpa-plaster siya ni Direk Brillante at doon na sinabing may seven sexy scenes siya sa movie.

Nagulat man daw siya ay hindi na siya nakatanggi pa kay Direk.

“So, pinanindigan ko na lang dahil naniniwala ako kay Direk Phil Giordano, the director, unang-una, at saka kay Direk Brillante na hindi ako makahindi.

“Basta pelikula kasi ni Direk Brillante or siya ang producer, eh, talagang hindi lang for Vivamax ‘to. Maaring pati sa ibang bansa, ’di ba?” kwento ni Baron.

Hindi raw tuloy niya napaghandaan ang mga eksena at hiyang-hiya siya na medyo mataba ang kanyang katawan.

Pero aniya ay grateful siya na kinuha siya ni Direk Brillante kahit naisahan siya nito.

Ilan sa matitinding eksena ni Baron ay ang kinky love scenes niya with Janelle kung saan ay gumamit pa sila ng iba’t ibang sex toys while making love.

Ayon sa aktor, hindi nga raw niya alam ‘yung mga ‘yun at first time niya talagang ginawa.

“Buti na lang nandu’n po si Direk Brillante para i-guide po kami sa mga sexy scene kung papaano mag-whip, bakit papasok ‘yung bola, mga bagay-bagay na hindi ko maisip kung para saan. It’s my first time to actually do this kind of daring role, love scenes.

“Sa lahat ng mga eksena, ‘yung love scenes talaga ‘yung pinakamahirap gawin. Akala n’yo parang nag-e-enjoy kami. Nanginginig kami,” he said.

Wish lang ni Baron na huwag daw kunin ang mga love scene sa movie ng mga walang magawa para ilagay sa mga porn site.

Nagsimula nang mapanood ang Pusoy sa Vivamax kahapon, May 27.

Aside from Baron and Janelle, bida rin sa pelikula sina Vince Rillon and Angeli Khang. Kasama rin sa cast si Jela Cuenca.

AUTHOR PROFILE