Barbers

Barbers nagpasalamat sa malasakit ni PBBM sa mga taga-Mindanao

February 10, 2024 Ryan Ponce Pacpaco 116 views

NAGPASALAMAT si Surigao del Norte Rep. Robert Ace Barbers kay Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa pagbisita at pagmamalasakit nito sa mga taga-Mindanao.

“We express our gratitude to President Bongbong Marcos for his visit to Mindanao and his sincere concern for its people. The visit signifies a hopeful step towards healing and achieving peace and reconciliation in our nation,” ani Barbers.

Bumisita si Pangulong Marcos sa Davao City noong Pebrero 7 upang magpaabot ng tulong sa iba’t ibang sektor.

Ayon kay Barbers, maraming isyu sa Mindanao na dapat matugunan ng gobyerno gaya ng pagpaparami ng produksyon sa sektor ng agrikultura sa mamagitan ng suporta sa irigasyon, pagtatayo ng mga imprastraktura upang dumami ang mga turistang bumibisita, mga eskuwelahan para mas dumami ang makapag-aral at ospital upang mas madaling makapagpagamot ang mga residente roon.

“We thank President Bongbong Marcos for physically witnessing the realities faced by our people in Mindanao. We extend our thanks to the President and join our fellow citizens in their call for unity, progress, and development,” dagdag pa ni Barbers.

Sa kanyang pagbisita, pinangunahan ni Pangulong Marcos ang pamimigay ng electronic land titles ng 3,560 hektaryang taniman sa 2,672 magsasaka sa Davao region sa ilalim ng agrarian reform program ng gobyerno.

Pinangunahan din ng Pangulo ang inagurasyon ng isang bulk water supply project.

AUTHOR PROFILE