Default Thumbnail

Bangkay lumutang sa Tullahan river

March 7, 2024 Edd Reyes 95 views

LUMUTANG sa Tullahan river ang bangkay ng matansero na napaulat na nawala na lamang na parang bula noong Miyerkules sa Malabon City.

Dakong alas-2:20 ng hapon nang madiskubre ng barangay tanod na si Edwin Nebungco ang lumulutang na bangkay ng biktimang si Daniel Comediro, 20, sa Tullahan River na sakop ng Brgy. San Agustin.

Nagresponde sa lugar ang Malabon police kasama ang mga tauhan ng Northern Police District Forensic Unit (NPDFU) sa pangunguna ni P/MSg. Elizar Manarpaac na siyang nag-proseso sa bangkay.

Walang makitang signs ng sanhi ng pagkamatay ng biktima kaya’t kinailangang isailalim sa autopsy examination ang bangkay.

AUTHOR PROFILE