Rider

Rider pinagbabaril, tigok

March 7, 2024 Jonjon Reyes 204 views

Rider1PATAY ang rider ng pagbabarilin ng riding-in-tandem sa Yuseco St., Tondo, Maynila noong Huwebes.

Nasa edad 30 hanggang 35 ang biktima at naka-maroon na jersey, maong pants, puting ball cap at sakay ng Honda Click na kulay magenta na walang plaka.

Sa ulat ng Sta.Cruz Police Station (PS3), nangyari ang krimen alas-12:20 ng madaling araw.

Base sa CCTV footage, sakay ng motorsiklo ang biktima nang sumulpot sa kanyang likod ang dalawang lalaki na sakay ng motorsiklo at pinaputukan siya ng limang beses.

Apat na tama ng bala ang tinamo ng biktima sa iba’t-ibang parte ng kanyang katawan.

Narekober ang apat na basyo ng bala ng calibre. 45 sa pinangyarihan ng krimen.

AUTHOR PROFILE