PCG

Bangka lumubog sa lawa, 30 patay

July 27, 2023 Zaida I. Delos Reyes 349 views

AABOT sa 30 katao ang nasawi habang 40 iba pa ang nailigtas matapos na lumubog ang isang pampasaherong bangka sa lawa sa Barangay Kalinawan, Binangonan Rizal nitong Huwebes ng hapon.

Ang insidente ay kinumpirma ng Philippine Coast Guard (PCG). Patuloy pang inaalam ang tunay na bilang ng casualties.

Sa inisyal na ulat, patungo sana ang bangka sa Talim Island nang bigla itong tumaob sa lawa dahil sa masungit na panahon.