Vic

Baby Mochi ng BosLeng, inaabangan ang face reveal

January 24, 2024 Vinia Vivar 125 views

Nakapanganak na si Pauleen Luna sa second baby girl nila ni Vic Sotto na binigyan nila ng palayaw na Baby Mochi.

Sa kanyang Instagram Story kahapon ay may pasilip na si Pauleen kay Baby Mochi dahil ibinahagi niya ang larawan ng lips nito.

In fairness, ang ganda ng lips ni Baby Mochi, huh!

Nag-post din ang misis ni Bossing Vic ng larawan ng panganay nilang anak na si Tali na may hawak na red flower sa hospital room.

Caption ni Pauleen, “a flower from the sweetest ate in the world.”

For sure ay inaabangan ng lahat ngayon ang face reveal ni Baby Mochi.

Congrats, Bossing Vic and Pauleen!

AUTHOR PROFILE