Kathryn Bernardo

Kathryn, pinagliliyab ang socmed

January 24, 2024 Vinia Vivar 133 views

Ayon kay Kathryn Bernado, ang focus niya this year ay ang kanyang body fitness goals.

Ibinahagi ng aktres sa Instagram ang mga larawan niya habang tumatakbo wearing her running outfit.

“Note to self: Sweat. Smile. Hydrate. Focusing on achieving my fitness goals this year,” bahagi ng caption ni Kath.

Desidido ang aktres sa pagmu-move-on mula sa breakup nila ni Daniel Padilla at mukhang ini-enjoy niya ngayon ang single life.

Sa isa pa niyang post ay ipinakita naman niya ang kanyang bikini body habang nasa beach. Hotness overload ang aktres sa kanyang suot na two-piece swim suit dahil pansin ang kanyang toned body with mathing abs.

One-liner caption niya rito, “arte.”

Matatandaang kinumpirma ng KathNiel ang kanilang breakup noong Nov. 30. 2023 after 11 long years of being in a relationship.

AUTHOR PROFILE