PAGASA

Babay Egay, hello Falcon

July 27, 2023 Zaida I. Delos Reyes 178 views

MATAPOS makalabas ng bansa ang Super Typhoon Egay, isang tropical depression (TDS) ang namataan ng Philippine Atmospheric , Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) sa labas ng bansa.

Sa ulat ng PAGASA, ang TD ay namataan sa 1,800 kilometro ng silangan ng northeastern Mindanao at posibleng maging bagyo sa mga susunod na araw.

Ang TD na may dalang lakas ng hangin na 55 kilometro bawat oras at pabugsong 70 kada oras ay tatawaging Falcon sa sandaling pumasok ito sa Philippine Area of Responsibility (PAR) ngayong Linggo.

May posibilidad din tuluyan nang maging bagyo ang TD bago paman ito makapasok sa PAR.

“On the forecast track, the Tropical Depression may enter the PAR region on late Saturday (29 July) or Sunday morning (30 July),” pahayag ng Pagasa.

NOW PLAYING

“This tropical cyclone may intensify and reach Typhoon category with a peak intensity of 155 (kph) before entering the PAR region,” dagdag pa ng PAGASA.

Katulad ni Egay, palalakasin din ni Falcon ang hanging habagat na magbibigay ng ulan sa western section ng Luzon at Visayas ngayong linggo.