Aksidente

Babae 3 beses nasagasaan, patay!

November 2, 2023 Melnie Ragasa-limena 368 views

DEAD on the spot ang isang babae matapos masagasaan ng tatlong magkakasunod na kotse Miyerkules ng gabi sa Quezon City.

Nagtamo ng grabeng pinsala sa ulo at katawan ang biktimang si Bernadith Borromeo, nasa hustong gulang , at residente ng Samapa Comp. Bgry Fairview, Quezon City.

Nasa kustodiya naman ng Quezon City Police District Traffic Sector 5 sina Kima Engan Bandeleon, ng B408 L21 Kelpler St., P4 Herritage HMS Loma De Gato Marilao Bulacan, driver ng Toyota Avanza na may plakang NIL3193 at Joseph Lacsa Gallon, ng Lower Lotus Modesta Villa San Mateo Rizal, driver ng Toyota Vios Sedan na may plakang NHC1163.

Pinaghahanap naman ang driver ng isa pang sasakyan na may plate number na NAD3067 na mabilis umanong tumakas.

Batay sa imbestigasyon ni PSMS. Hebry C. Tingle ng QCPD Traffic Sector 5, nangyari ang insidente dakong alas 7:15 nitong Miyerkules sa panulukan ng Commonwealth Avenue at Namasape HOA Bgry. North Fairview, ng nabanggit na lungsod.

Lumilitaw na patungong Quezon Memorial Circle ang tatlong sasakyan nang mangyari ang trahedya.

Papatawid ang biktima kasama ang kaibigang si Cherry Paiste nang una itong mabangga ni Bandeleon.

Bumagsak ang biktima at nasagasaan naman ng kasunod na driver ng sasakyan NAD3067.

Napuruhan naman nito ang ulo ng biktima at agad na tumakas ang driver nito.

Matapos ito, nasagasaan naman ni Gallon ang katawan ng biktima.

Agad sumuko sa mga pulis si Gallon.

Ayon sa mga pulis, mabibilis ang mga sasakyan sa kahabaan ng Commonwealth Ave at ipinagbabawal ang pagtawid.

Nahaharap sa kasong Reckless Imprudence Resulting to Homicide (Hit and Run) ang mga suspek.

Nakikipag-ugnayan na rin ang pulisya upang matukoy ang driver ng tumakas na sasakyan.