Azi and Jaclyn

Azi, nakipagsabayan ng aktingan kay Jaclyn

August 26, 2023 Ian F. Fariñas 280 views

HINDI nagpalamon ang sexy star na si Azi Acosta pagdating sa aktingan dahil talagang nakipagsabayan siya ng husay kay Cannes best actress Jaclyn Jose sa Vivamax Original Movie na Call Me Alma.

Sa katatapos na private screening ng pelikulang idinirek ni Mac Alejandre mula sa script ng National Artist na si Ricky Lee, kitang-kita kung gaano ka-natural umarte si Azi, lalo na sa madadramang eksena nila ni Jaclyn.

Sa Call Me Alma, ginagampanan ni Azi ang papel ni Alma, isang prostitute na walang kinalakihang mga magulang.

Self-supporting ang dalaga na may tatlong masusugid na customer sa club: Sina Tiger Joe (Mon Confiado), Kabayo (Josef Elizalde) at Puppy Dog (Gold Aceron).

Simple man, kumportable naman ang pamumuhay ni Alma, lalo pa nga’t malaki ang kinikita niya sa customers sa club.

Hanggang sa makilala niya si Sheila (Jaclyn), na magpapakilalang ina niya.

Lubos silang magkakakilala dahil matagal silang magkakasama para hanapin ang ama niyang si Badong sa Bataan.

Maging si Direk Mac, na unang nakatrabaho ni Azi sa Selina’s Gold, hanga sa husay umiyak ng sexy star.

Blessed ang pakiramdam ng direktor dahil si Azi ang ibinigay ng Viva para magbida sa Call Me Alma.

Unang napanood ang naturang pelikula sa Cinemalaya Film Festival nitong Agosto kasama sina Aiko Garcia at Richard Solano sa cast.

Simula September 1, eksklusibo naman itong mapapanood via streaming sa Vivamax.

AUTHOR PROFILE