Tikoy

Award-winning film director Tikoy Aguiluz pumanaw na

February 19, 2024 Eugene E. Asis 93 views

SUMAKABILANG-BUHAY na ang award-winning film director na si Amable “Tikoy” Aguiluz VI sa edad na 72.

Kinumpirma ang pagkamatay ng direktor sa pamamagitan ng isang statement mula sa pamilya,.

Ang kanyang unang pelikula ay ang kontrobersiyal na Boatman na ipinalabas noong 1984. Mga bida rito sina Sarsi Emmanuelle at Ronnie Lazaro.Itinanghal din ito sa 1985 London Film Festival.

Kabilang sa mga obra niya ay ang Balweg (1985), Segurista (1996), Rizal In Dapitan (1997), Tatsulok (1998), Tatarin (2001), www.XXX.com (2003), Manila Kingpin: The Asiong Salonga Story (2011), at El Brujo (2015).

Si Direk Tikoy ay co-founder ng University of the Philippines Film Center (now UP Film Institute) kung saan din niya nakuha ang degrees sa comparative literature and fine arts.

Ang kanyang award-winning film na “Segurista” ay ang Philippine official entry sa Academy Awards sa Amerika noong 1996, samantalang ang historical film niyang “Rizal sa Dapitan” ay nanalo ng Grand Jury Prize sa Brussels International Film Festival at ipinalabas din sa mga prestihiyosong film festivals sa iba’t ibang bahagi ng mundo.

Ginawaran din siya ng Chevalier dans l’Ordre des Arts et Lettres (Knight of the Order of Arts and Letters) noong 2003 ng French government para sa kanyang mahalagang ibinahagi sa Philippine cinema.

Ilan sa kanyang mga huling proyekto ang “Manila Kingpin: The Asiong Salonga Story” na nagpanalo sa kanya sa 2011 Metro Manila Film Festival bilang Best Director, gayundin ang dokumentaryo na “The Search for Weng Weng.”

Si Direk Tikoy ang founder ng Cinemanila International Film Festival noong 1999.

Sa pamamagitan ng isang statement mula sa pamilya, kinumpirma ang pagkamatay ng direktor.

Bagama’t wala pa sila maibibigay na mga detalye, mapayapa raw ang pagpanaw ni Direk Tikoy. Nais ng pamilya na magluksa nang pribado. Mabilis namang nagpaabot ng pakikiramay at pagbibigay pugay ang maraming kasamahan sa film industry.

AUTHOR PROFILE