Pic

Star Magical Prom magbabalik ngayong taon

February 19, 2024 Eugene E. Asis 129 views

Pic1Pic2Pic3Pic4

MULING magsasama-sama ang ilan sa pinakamaningning na young stars ng Star Magic sa pagbabalik ng “Star Magical Prom” ngayong Marso 14 na mapapanood ng live sa YouTube channel ng Star Magic.

Sa pinost na teaser ng ABS-CBN, sumayaw ang lead stars ng “Zoomers” na sina Criza at Harvey Bautista at nagtransform bilang prince at princess na nagsisimbolo ng fairytale theme ngayon taon.

Dapat naman abangan ang supresa at cool na pakulo ng Star Magic artists sa kanilang ‘promposals’ sa darating na mga linggo.

Nitong nakaraang araw, nanguna na nga si Seth Fedelin ayain ang kanyang ka-loveteam na si Francine Diaz dalawang beses na may kasamang bulaklak sa desert sa Dubai at kalagitnaan ng TFC show. Samantala, sinorpresa ni Kei Kurosawa ang GL partner na si Krystl Ball ng bunnies at flowers pagkatapos ng kanilang vlog collaboration at tinanong ito kung pwede siyang maging partner sa nasabing event.

Bukod sa ‘promposals,’ may tsansa naman ang piling fans makamit ang pangarap na magkaroon ng fairytale prom journey sa ‘Once a Fan A Time.’

Magpost lamang ng isang creative at unique promposal video kung saan tinatanong nila ang kanilang idolo para maging date sa naturang gabi sa kanilang Facebook, X, Instagram o TikTok account kasama ang hashtag na #OnceAFanATime. Dalawang mapiling fans ay magkakaroon ng magical prom makeover sa tulong ng fairytale glam mothers at makakasama ang stars rumampa sa ivory carpet. I-fill out din ang audition form sa link na ito: forms.abs-cbn.com/onceafanatime.

Abangan pa nga ang iba pang pasabog tungkol sa Star Magical Prom sa susunod na linggo. I-follow ang @starmagicphils sa Facebook, X, Instagram, Tiktok, at YouTube para sa karagdagang impormasyon.

AUTHOR PROFILE