Ava Larawan: Ava Mendez/IG

Ava di papatol sa may jowa

December 28, 2023 People's Tonight 203 views

MATAPOS maglabas ng kanyang saloobin ang aktres na si Ava Mendez tungkol sa isyung kinasasangkutan niya sa hunk aktor na si Jak Roberto, idiniin nitong hindi niya ito papatulan.

Sa panayam ng vlogger na si “Madam LQ” kay Ava, tinanong ito kung“totropahin o jojowain” niya ang Kapuso hunk actor na kasalukuyang kasintahan ang Kapuso Primetime Princess na si Barbie Forteza.

“Papatol ka ba sa taong may jowa?” diretsahang tanong ni Madam LQ.

“Hindi,” mabilis na sagot ni Ava. “Bakit?” dagdag na tanong naman ng interviewer.

“Hindi ko rin gusto eh. Saka hindi ko rin gusto si Jak ‘yon lang ‘yon,” diin pa ni Ava.

“Bakit hindi mo siya gusto?” sunot ulit na tanong ni Madam LQ.

“Hindi ko siya gusto eh,” sagot ni Ava. “Jak Roberto. Totropahin, jojowain?” muling tanong ng interviewer. “Tropa lang,” sey ni Ava.

Idiin naman ni Ava na sa social media umano ay mabilis lang magawan ng kwento ang mga larawang kumakalat, pero hindi umano alam ng mga bashers niya ang totoong istorya sa likod ng mga nasabing larawan nila ni Jak.

AUTHOR PROFILE