Nora

Ate Guy maysakit o nag-attitude lang?

June 17, 2022 Joey Aquino 377 views

HEALTH reason ang itinuturong dahilan kung bakit hindi nakadalo si Nora Aunor sa awarding ceremony para sa mga bagong National Artist sa Malacañang nitong Huwebes, June 16.

Frankly speaking, it was such a lame excuse. Dahil hindi naman malinaw kung ano talaga ang tunay na dahilan. Hindi naman siya nag-positibo sa Covid-19. Nakakapikon na hindi siya nakadalo sa nasabing okasyon. Siguradong marami ang nadismaya sa pangyayaring ito.

She has long waited this moment bestowing her the highest recognition given to a Filipino artist. Nagpagupit at ready na raw ang susuoting damit, ayon sa balita. Pero, last minute nagbago ang desisyon dahil diumano sa payo ng kanyang doktor. Naku, ‘di na bago ang ganyang gimik ni Ate Guy. Sabi nga ng isa kong friend na die-hard Noranian, “Sinumpong lang ng topak ‘yang si Ate Guy.” Sana raw binigay na lang ang award kay Vilma Santos, dagdag pa niya.

If it was really intentional, Aunor not only missed the opportunity to personally thank President Rodrigo Duterte but insulted her supporters and fans. Tahasan itong pang-iinsulto sa mga taong tumulong sa kanya para mahirang bilang national artist. Ate Guy has already redeemed herself with her conferment of the National Artist for Film and Broadcast Arts. Malaking boost ito sa kanyang morale at career. Naging mabait sa kanya ang mga fans at ang buong industriya. At sana magpakabait na siya ngayon na nasa dapithapon na siya ng kanyang buhay.

Kaliwa’t kanan ang papuri sa kanya, lalo na nitong nakaraang araw. Walang hanggan din ang kanyang pasasalamat. But her recent action speaks otherwise. Kung “no show” siya sa Palasyo, ganun din kaya ang gagawin niya sa nakatakdang tribute ng Cultural Center of the Philippines sa mga bagong national artist? Just asking…

Disclaimer:

Sa diwa ng malayang pamamahayag, makipag-ugnayan lamang sa Just Asking thru 0905-558-4811 or email us at [email protected]

AUTHOR PROFILE