Default Thumbnail

Asylum bid in Teves olats; DOJ nais ikansela pasaporte

May 10, 2023 Hector Lawas 162 views

TINANGGIHAN ng Ministry of Interior ng Timor-Leste ang aplikasyon ni Negros Oriental Representative Arnolfo “Arnie” Teves Jr., ang sinasabing nasa likod umano sa pagpatay kay provincial governor Roel Degamo at sa ilang iba pa, na mabigyan ng “asylum.”

Ibinunyag ng Department of Foreign Affairs (DFA) ang desisyon sa isang pahayag noong Miyerkules ng umaga. Aniya, si Teves ay binibigyan pa ng limang (5) araw para lisanin ang bansa nila.

Gayunpaman, pinapayagan si Teves na i-apela ang desisyon ng Timor-Leste.

Sinabi ni Justice Secretary Jesus Crispin Remulla noong Martes na si Teves ay nasa Timor-Leste upang mag-apply ng “protection visa” sa layuning humingi ng asylum sa bandang huli.

Humiling si Remulla na italaga ng Anti-Terrorism Council (ATC) si Teves Jr. bilang “terorista” at magtatag ng isang technical working group (TWG) upang imbestigahan at magrekomenda ng aksyon.

Nagsagawa na ang Department of Justice (DOJ) ng mga paunang proseso para ideklara si Teves na isang terorista. Kapag siya ay naideklarang terorista, maaari na siyang i-deport kahit saang bansa siya naroon.

Itinanggi ni Teves ang kanyang pakikisangkot sa pagpatay kay Degamo at nangako na babalik sa Pilipinas “kapag naayos na ang banta sa kanyang buhay.”

‘Kanselahin ang pasaporte ni Teves’

Sa parehong ulat, tuluyan ng hinigpitan ng gobyerno si Teves matapos i-anunsyo ni Remulla na ipapakansela ng DOJ ang pasaporte ng mambabatas.

Sa isang panayam sa CNN Philippines’ “The Source,” ibinunyag ni Remulla na hihilingin ng DOJ ang kanselasyon ng pasaporte ni Teves upang pilitin siyang bumalik sa Pilipinas matapos na tanggihan ang kanyang aplikasyon ng political asylum sa Timor-Leste.

Naniniwala si Remulla na iiwasan ni Teves ang prosekusyon sa pamamagitan ng paglalakbay sa South Korea, Cambodia, at Bangkok, kung saan sinasabing nandoon ang karamihan ng kanyang mga kasamahan.

Maaaring magsumite ang DOJ ng hiling na kanselahin ang pasaporte ni Teves sa Lunes.

Nilinaw ni Remulla na hindi ginigipit ng gobyerno si Teves, bagkus gusto lamang nito papanagutin ang mambabatas sa mga kinakaharap na mga kaso.

‘Pagkansela sa pasaporte ni Teves walang basehan – Topacio’ ang abogado ni Negros Oriental Representative Arnolfo “Arnie” Teves Jr. na si Ferdinand Topacio ay nagpahayag nitong Miyerkules ang abogado ng Negros Oriental Representative na si Ferdinand Topacio na wala umanong batayan ang plano ng pamahalaan na hilingin ang pagkansela ng pasaporte ng mambabatas.

Sa isang pahayag, sinabi ni Topacio: “Sorry for the late reply. There is no basis for the cancellation of Cong. Teves’ passport at this time.

There are only three instances when a Philippine passport may be canceled: when one is a fugitive from justice; when one has been convicted of a crime; and when the passport was fraudulently acquired or has been tampered with. Thanks.”

Samantala, sinabi ni Topacio na maglalabas ng pormal na pahayag ang kampo ni Teves kaugnay ng pagtanggi ng bansang Timor-Leste sa aplikasyon niya para sa isang asylum. Nina HECTOR LAWAS AT CRISTINA LEE-PISCO

AUTHOR PROFILE