Default Thumbnail

ASG timbog sa Zamboanga City

November 21, 2022 Zaida I. Delos Reyes 250 views

ISANG miyembro ng Abu Sayyaf Group (ASG) ang naaresto ng mga awtoridad makalipas ang halos 14 na taong pagtatago sa Zamboanga City.

Ayon kay Zamboanga City Police Director Col. Alexander Lorenzo, naaresto ang suspek, dakong 5:11 p.m. nitong Sabado sa Purok 4, Barangay Labuan ng naturang siyudad.

Siya ay naaresto matapos makumpirma ang kanyang presensiya sa lugar sa pamamagitan ng intelligence operation.

Napag-alaman na bukod sa pagiging miyembro ng bandidong grupo, ang suspek ay kasapi din umano ng isang grupo na binabayaran para pumatay.

Ang suspek may nakabinbing arrest warrant para sa kasong pagpatay na walang kaululang piyansa musa sa Zamboanga City Regional Trial Court (RTC).