Aria Larawan mula sa IG/@ariabnch_

Aria may katas hanggang wetpaks

January 25, 2024 People's Tonight 204 views

MULING binulabog ng Vivamax actress na si Aria Bench ang mga anak ni Adan sa mga bago nitong larawan.

Sa Instagram page ng sexy star, nakabalandra ang wetpaks nitong sumisirit ang hotness.

Black and white at maliliit man ang mga in-upload niyang litrato, tila sumigla naman ang kulay ng mga barakong pinaglawayan ang kanyang sex appeal.

Makikita sa nasabing mga larawan ang todo-awrang si Aria habang mapang-akit siyang nakatalikod para ibida ang kanyang wetpaks habang nasa banyo.

Nagpatakam ang Vivamax actress sa pamamagitan ng kanyang suot na T-back panty habang hubad ang itaas na bahagi ng katawan.

“Mananabik ka sa KATAS ni Monica malapit mo na siya makilala,” sey ng hot actress sa caption ng kanyang post.

Tampok si Aria sa isang Vivamax original film na pinamagatang ‘Katas’ sa direksyon ni Rodante Y. Pajemna, Jr.. Ginampanan niya ang karakter na si Monica sa nasabing palabas.

Nakilala si Aria sa kanyang pagganap sa mga proyekto kabilang na ang Punit na Langit (2023) at Pantaxa Laiya (2023).

AUTHOR PROFILE